OFW Concerns

dr. margie holmes

"Ang mga Bagong Bayani" also have issues on their own. Leaving their home country to help their families is not as easy as it seems. Not to add the many issues and concerns they have before, during and after they have left. This is a section that will help you visualize the questions and concerns of people who have, are and will work overseas.







  • No Sexual desire at 40

    Dear Doctora Holmes,

    Ako po ay isang Pilipino na nagtratrabaho dito sa abroad,  Gusto ko lang pong itanong kung ang isang lalaki na 40 años ay wala ng sexual desire dahil sa edad ? Jimmy

    Dear  Jimmy:

    Kadalasan ang pagbaba ng sexual desire sa edad ng 40 ay may ibang dahilan,. Robert. Hindi ito nangyayari dahil sa edad lamang.  Maaaring may sakit siya o ang epekto ng gamot na kaniyang iniinom ay nag co-contribute rito o pagod siya, lagi kaya ang pagiging pagod ay ang sanhi ng kaniyang mababang sexual desire, pero hindi pa ako natagpo ng isang lalakeng bumaba ang sexual desire dahil lamang sa edad.  Not at 40, Jimmy.


    Pero huwag ka sanang madismaya. Maaaring mas simple ang solusyon.  Maaari ito ay dahil sa pagkulang mo sa exercise, o sa depression na na-e-experience mo ngayon na di mo pala alam mayroon ka, on iba pang bagay na at least mababago mo naman.  Ang edad di mo mababago, so diba mas ok kung hindi edad ang problema?  Inaasahan ko na nakatulong ito, Jimmy, at sana sumulat ka sa akin nanaman kung gusto mo pang pagusdsapan ito Ingat—MG Holmes.

  • 48 yrs sa tagal bago labasan….

    Dear Dra Holmes:


    Ako po ay isang seaman at 56 years old,ang problema ko po ay sa sexual intercouse naming mag asawa na medyo di yata normal.  


    Tuwing bakasyon ko nahihirapan po akong mag ejaculate,halos nakadalawa na ang Mrs. ko pero ako po ay hindi pa hanggang inaabot na ako ng  pagod at natutuyuan na si Mrs.


    Pero kung mayron pong palabas na bold medyo nakakatulong. Normal po ba yun na may nakikita akong ganong palabas para labasan agad ako?

    Sa barko naman po pag on board ako, sandali lang naman ako magparaos wala naman pong problema sa akin dahil matigas naman po siya at gusto ko sanang sumubok sa ibang babae pero natatakot naman ako. Magtatatlong taon na po akong ganito. Maraming salamat po.   Martin de la Cruz  

    Dear Mr. de la Cruz:

    Marami pong salamat sa inyong napaka honest na sulat na inumpisahan na nating sagutin . Sinabi ko na lahat ng mga nararanasan mo ay normal. Ang mas matagalang ejaculation mo dahil si misis ang iyong sinisiping ay hindi kataka taka.  Matagal na kayong kasal at kahit bihira lang kayong magkita, sanay ka na sa kaniyang hugis, amoy, reaksyon.   

    Siyempre ang mas bago—bold man o ibang babae—ay lalong nagtataas ng nasa.  Kung ikaw ay nagtataka kung talagang mas mabilis kang labasan kapag ibang babae ang kasama mo, ma-re-reassure ko na sa iyo ngayon na yan talaga ang mangyayari. Hindi mo na kailangang i-test ito sa pamamagitan ng pagsubok ng ibang babae.

    At least, inaasahan ko na yan lamang ang dahilan na gusto mong magsubok ng ibang babae. Para malaman ang tunay na sanhi ng problema mo. Kasi, kung una nga lang, mayroon sana akong deal na gusto kong ipahayag sa iyo.

    Ano kaya, Mr. de la Cruz, kung subukan mo nalang muna  ang  aking mga mungkahi  sa iyo.  Kung ma solusyunan ang problema mo, ok na ok. Di mo na kailangang subukan ang iba. Kung hindi naman, well, pagusapan nalang muna natin ang iyong magagawa para hindi ka magkasakit, hindi ka masabit at, pinakamahalaga, hindi maapekto ang relasyon ninyo ni misis.

    Ang pagbabasa ko kasi sa sulat mo ay na talaga kayong nagmamahalan ni misis. Napakalaking bagay yan. Kokonti lang sa mundo ang nakakamit ang true love na matagalan, katulad ng pagsasama ninyo ni misis.   

    AT habang tumatanda tayo, mas mahalaga yun, di p ba? Sayang naman kung, dahil lamang sa curiosity, maapekto ang itong napakahalagang bahagi ng buhay ninyo.

    Ang mungkahi ko ay ganito.  Bilangin mo ilang mga araw ang lumilipas bago ka magmasturbate sa barko.  Ang mga araw na iyon at imultiply mo by times three (3).  So, kung kadalasang lingguhan ka mag masturbate,  ang times 3 number mo ay 21. TO BE CONTINUED
  • 48 yrs sa tagal bago labasan….Part 2

    Dear Mr. de la Cruz:

    Marami pong salamat sa sulat ninyo na inumpisahan nating sagutin  Minungkahi ko na i-observe mo gaano kadalas ka nagmamasturbate; ano ang agwat na araw between masturbation at I multiply mo itong agwat by 3.  SO.,…kung once a week po kayo nagmamasturbate, ang final number ninyo (number after you multiply by 3) para sa once a week masturbation  is 21.  

    Kung sakaling ang final number ninyo ay 6 o less, gawing 7 ang final number ninyo.  In other words, ang pinaka maliit na final number ay 7

    Ang final number ninyo ang siyang nagsasabi sa iyo ilang araw hindi ka mamasturbate bago ka bumalik sa Pilipinas.  SO, bago ninyo makita si misis, kung ang final number ninyo ay 7, at least one week bago kayo bumalik sa Pilipinas, pigilin na po ninyong magmasturbate.,

    Kung sakali namang ang final number ninyo ay 21, then at least 21 araw kayong hindi magmamasturbate hanggang makita ninyo si  misis.  

    Ang dahilan rito ay para mas sabik kang makipagsiping kay misis.  Ayon sa mga pananaliksik, ang deprivation (pagbabawal sa sarili ng mga bagay na sanay tayo) ay tinataas ang ating pagsasabik para sa mga bagay na ito.  

    Isa pa sanang mapagisipan ninyo bago tayo magkita uli next week.  Sinabi ninyo sa last sentence ninyo na magtatatlong taon na po kayong ganito.  Sana po pagisipan ninyo kung may nangyari 3 years ago na maaaring naging kontribusyon sa nangyayari ngayon.  Maaaring walang nangyari  pero maaaring mayroon rin at yan ay tatalakayin rin natin sa next part below.  

  • 48 yrs sa tagal bago labasan… Part 3

    Dear Mr. de la Cruz:

    Marami pong salamat sa sulat ninyo na inumpisahan nating sagutin, Minungkahi ko sa inyo na isipin ano pa kaya ang nangyayari three years ago na maaaring maging kontribusyon sa iyong delayed ejaculation kay misis.

    Mayroon po ba kayong na diskubre o mayroon kaya siyang sinabi o ginawa kaya galit kayo sa kaniya? Mayroon po bang nangyari 3 years ago na laging umiiikot sa iyong utak at lagi mong pinagaalala.

    Mayroong mga natatawa sa aking mga tinanong. Isip nila, papaano naman ang galit o pagaalala makakaapekto sa isang napakapisikal na Gawain(?) kagaya ng pagsisiping.

    Pero yun nga ang punto, di po ba, Mr de la Cruz?  Na ang pagsisiping ay di lamang pisikal pero emosyonal at sikolohikal rin.  Mayroon ngang ibang nagsasabi na kasali na rin ang spiritual sa pagsisiping sa iyong minamahal, at saang ayon rin ako rito.

    Kung wala naman kayong mapi-pinpoint na dahilang sikolohikal, iwanan muna natin yan sandal.  Hindi ibig sabihin wala talagang mga dahilang ganito, pero baka may “mas immediate” na dahilan na mas kailangang tingnan.
    Mayroon pa pong isang solusyon sa delayed ejaculation pero papagusapan ko nalang po ito kapag yung mga pinag usapan natin ay di makatulong sa inyo, ok po, Mr de la Cruz.
    Finally, inaasahan ko na ang inyong pag alam na mayroon pangalan para sa iyong kondisyon—delayed or retarded ejaculation—ay makakatulong sa pagbawas ng iyong pagaalala. Ibig sabihin po kasi nito, di po ba, ay mayroong mga iba na mayroong kondisyon kagaya ng inyo (di po kayo nagiisa) at mayroon nang mga iba’t ibang manggaggamot at sikolohistang pinapag aralan ito.  Ingat po at sana sulatan nanaman nionyo ako kung kailangan pa ninyo ng tulong—MG Holmes

  • One Sided Love

    Dear Dra Holmes:

    Ako po ay isang OFW na nagtratrabaho sa bansang UAE. Gusto ko lang po sana humingi ng payo sa inyo na kung ano ba ang aking gagawin tungkol sa aking nararamdaman sa isang babae na aking minamahal.

    alam po niya na mahal ko siya at inamin ko na po sa kanya ito matagal na. Sobra na po kasi akong naguguluhan na kung bakit ganito ang nangyayari sa akin at hindi ko alam kung ginagamit na lamang niya ang pag-ibig ko para sa sariling interest.

    malayo po ang agwat ng edad namin mas matanda siya sa akin ng 14 years pero kakaiba po kasi siyang babaeng nakilala ko dahil sa kabila ng may edad na siya maganda, matulis ang puwet at maayos siyang manamit.

    matagal na rin po kaming nagkasama nito sa loob ng ilan taon at nakilala ko na siya kahit na wala nman kaming relasyon.

    tulungan niyo po sana ako doktora, sa ngayon po nais ko na siyang iwasan pero sa tuwing nararamdaman niya ito tatawag siya o magtetxt na hihingi ng paumanhin kpag tinanggap ko ilan araw lang po balik po ulit sa dati.. hindi ko nga po alam kung may konting pagtingin siya sa akin.
                                        RAE
    Dear Rae:

    Maraming salamat sa iyong sulat. Mas matutulungan kita kung alam bakit mo finally dine-sision mo na gustong iwasan.  Nalaman mo bang masama siyang tao?  Kasi mas madaling tumulong sa iyo kung ganyan ka klaro ang situwasyon.  

    Pero kung ito ay dahil hanggang ngayon hindi pa klaro ano ang role mo sa buhay niya, mas malabo ito.  Una, dahil lagi lagi masasabi mo sa sarili mo na, kung maghintay ka lang ng kaunti pa, sasagutin ka na siya.  Ikalawa, sanay ka na sa ganitong klaseng relasyon, na ikaw ay nanliligaw at laging nandiyan kapag kailangan ka niya, bakit hindi ka pa tumuloy na ganito?  

    Pero ang pinakamahirap na dahilang hindi mo siya maiwanan, ay alam niya ang takbo ng utak mo.  Alam niya papaano isigurado na ikaw ay hindi aalis at mananatiling kaniyang tagahanga.  Yan ay sa pamamagitan na sabi mo, Kapag nahalata niyang handa ka na umalis, tatawagan ka niya para tumaas nanaman ang pag asa mo na, kung maghintay ka lang ng mas kaunti pa, magiging kayo na.  Hindi ito mangyayari, Rae.  Hanggang ganito nalang kayo, dahil ito ang pinakamagandang posisyon sa kaniya.,

    Therefore, in a way, yes!  Ginagamit ka lang niya.  Hindi niya iniisip ang mabuti rin para sa iyo.  Inaasahan mo na mahanap mo ang disiplinang ituloy ang iyong pagiiwas kahit na tumawag siya at tumawag. Baka pa siya pumunta sa iyo iilang beses para bumalik ka,para bumalik sa dati ang inyong relasyon.  Sana matatag ka pa sa pagiiwas sa kaniya.  Kung hindi, sulatan mo ako muli at tutulungan kita, ok, rae?   Ingat—MG Holmes  
  • TANONG NG ISANG OFW

    Dear Dra Holmes:

    Ask ko lang po,  Dra.Holmes,  kung may paraan ba para malaman ko ko kung nakikipagsex ang asawa ko sa ibang lalake? Matagal na akong OFW at may nagsasabi na madalas siyang makita na pumunta ng Motel kasama ang Amo niya.

    Labis akong nasaktan at nung tanungin ko siya siya pa po ang galit at sabi niya ang dumi daw ng utak ko.Pero minsan po nahuli ko na ka chat niya ang amo niya at nung akmang sasagot na yung amo niya biglang nag sign out ang misis ko. Ano po sa palagay niyo? May  relasyon po ba sila? Please help me at wag niyo na pong ilathala pakisagot nalang po saemail add k. Salamat.  JESSE


    Dear Jesse:

    Maraming salamat sa sulat mo.  Walang garantisadong paraan para malaman  kung nakikipagsex ang asawa mo sa ibang lalake habang ikaw ay nasa ibang bansa,  Hindi ito makikita sa kaniyang kilos o paglalakad; hindi rin ito mararamdaman sa kaniyang katawan. 

    Ang ibang OFW ay nag-hi-hire ng ng private detective para sundan ang asawa nila at patunayan na mayroon talagang ibang nobyo ito.  Maraming mga private detective ay kumukuha pa ng mga letrato.  Pero kailangang nakakasigurado ka na ang private detective na puntahan mo ay may integridad (integrity).  Mahalaga na  pumunta ka sa isang professional para matiwalaan mo siya talaga.  Mayroon kasing private detective na minsan ay magtratrabaho nalang para sa asawa kung akala niyang mas malaki ang kikitaan niya doon. 

    Hindi ko sinasabi na lahat ng mga private detective ay hindi matiwalaan.  Marami ay talagang mabait at may takot sa Diyos.  Kaya lang, dahil nasa ibang bansa ka, mas mahirap para sa iyo i-monitor ang movements ng detective kaya mahalagang pumili ka ng may mataas ng sense of ethics.

    At dahil pinaguusapan na rin natin ang pagtiwala sa iba, nakakasigurado ka ba na ang nagkukuwento sa iyo tungkol sa pagmo-motel ng asawa mo at amo niya ay matitiwalaan?

    Minsan kasi, may “ulterior motive” (mas malalim na motibo?)  ang isang tao, kaya hindi buong katotohanan ang sinasabi sa OFW.  Kadalasan ang motibong ito ay tungkol sa persa, pero hindi kailangan nay un lang ang dahilan.  TO BE CONTINUED BELOW

  • TANONG NG ISANG OFW- Part 2

    Dear Jesse:

    Maraming salamat sa sulat mo na inumpisahan na nating sagutin sa itaas.   Doon, sinabi ko na maliban sa paghire ng detective na kukuha ng letrato, walang garantisadong paraan para malaman  kung nakikipagsex ang asawa mo sa iba.


    Pero aaminin ko na ang mga kilos ng misis mo ay nakakasuspecha  talaga.

    Una, wala pa akong nakilalang  lalakeng amo na nakikipag chat sa kaniyang katulong na walang kasamang sexual behavior. 


    Ikalawa,  bihirang magalit kaagad ang isang asawa kapag unang tinanong sa kaniya kung mayroon naba siyang iba. Bihirang i-accuse kaagad ang asawang nagtatanong na napaka dumi ng utak niya. Para bang inaaway ka niya para matigil na ang iyong pagtatanong sa kaniya.  
     
    Para bang sarilin niya lang ang iniisip niya.  Diba, Jesse, kung baliktad ang situwasyon at ikaw ang nasa Pinas, at ang asawa mong OFW and nagtanong sa iyo kung mayroon kang iba, di mo ba gagawin ang lahat para hindi siya magduda sa iyo?  Di mo ba iisipin na, kawawa naman ang asawa ko, napakalayo sa kaniyang asawa at mga anak, nagdudusa para sa amin, tapos hindi ko pa siya mabigyan ng peace of mind?

    Hindi ko kilala kayong dalawa, Jesse.  Prine-presume ko lang na hindi mo siya ni-nag, na maayos ang pagkatanong mo sa kaniya.  Kasi, kung ganun ka nga, makulit at laging nag-na-nag, natural lang na magalit siya sa iyo at sabihin sa iyo na napakadumi ng utak mo. 

    Pero ang pagkabasa ko sa sulat mo ay hindi ka ganyang klaseng tao (sana hindi ako mali).  TO BE CONTINUED BELOW

  • TANONG NG ISANG OFW- Part 3

    Dear Jesse:

    Maraming salamat sa sulat mo na inumpisahan na nating sagutin SA Parts 1 at 2.    Sa PART 2, sinabi natin na may 2 ginawa ang misis mo na nakakasuspecha   talaga.

    Ang una ay ang pag chat nila ng amo niya. Hindi ito karaniwang kilos kung empleado at boss lamang ang kanilang relasyon.


    Ang ikalawa ay ang kaniyang reaksyon nang tinanong mo sa kaniya kung mayroon na siyang iba. Nagalit siya kaagad. Hindi yan ang kilos ng isang babaeng may purong pagmamahal para sa kaniyang asawa.

    Kung matatag ang pagmamahal mo sa asawa mo, di mo siya pahihirapan kung hindi naman may pangangailangan nito. (You wouldn’t inflict pain if it weren’t necessary).  Halimbawa: kung namatay ang nanay niya, kailangan na sabihin mo ito sa kaniya, kahit na masasaktan siya.

    Pero ang hindi mag reassure sa asawa mo na siya at siya lang ang mahal mo?  Sobrang cold hearted naman ang babaeng ito.


    Yan ang dahilang kailangan ninyong magusap, Jesse.  At may karapatan kang mag insist na huwag niyang guluhin ang isyu sa  pagkukunwaring galit siya o pag-a-accuse na ikaw pa ang nakakakita ng masama sa mga inosenteng bagay.

    At kahit inosente siya sa pangangaliwa, hindi siya inosente sa   pagtrato niya  sa iyo.  In fact, may pagkabastos pa.

    Isipin mo, Jesse, ikaw na nga ang nasa ibang bansa, naghihirap, malapit sa pamilya at barkada, nagpapadala ng pera, tapos siya pa ang nagagalit kapag tanungin mo lang siya? 

    Kahit inosente siya sa pangangaliwa, walang respeto pa rin siya sa iyo.  Ito rin ay nakakasira ng relasyon, Jesse. 

    So kausapin siya, Jesse, tungkol sa maraming bagay.  Kung ayaw pa rin niyang magsalita ng masinsinan sa iyo, oras ng isipin kung ito ay babaeng gusto mong manatiling partner mo habang buhay.  Kung kailangan mo pa ng tulong ko, sana sulatan mo nanaman ako. Pangako kong sasagutin kita. Ingat—MG Holmes

  • All about Oophorectomy

    Dear Dra Holmes:

    Peace be with you Dra.tinanggal na po ang 2 ovary ng misis ko last year. Meron po bang magiging epekto ito sa sekswal na buhay naming mag asawa?Can we still fully enjoy our sexual relationship na laging nangyayari tuwing akoy nagbabakasyon?

    Yours truly,

    JOSHUA

    Dear Joshua:

    Maraming salamat sa sulat mo.  Ang tawag ng medical procedure na nagtatanggal ng 2  ovaries ng babae ay oophorectomy (oh-oaf-uh-REK-tuh-me).

    Ang dahilan na ginagawa ito ay para maiwasan ang ovarian cancer at ibaba ang posibilidad ng breast cancer.  Mahalagang mga bagay ito, diba, Joshua?  .

    Nabanggit ko ang kahalagahan nito dahil mayroon mga side effects na minsan hindi kanais nais, kaya mabuti nang malaman muna ang mga “pros” ng oophorectomy para hindi kayo ma-turn off kaagad.

    Maraming mga resulta ng oophorectomy, at oo, para sa maraming mga babae ito ay nakaka apekto ng sex life ng mag asawa.  Ang pinapangkaraniwang resulta ay vaginal dryness (hindi pagbabasa ng babae na kasing bilis o kasing rami).
     
    Isa pang epekto ay sexual discomfort—minsan masakit makipag sex, minsan rin, walang gana si misis.

    Sa aking opinyon, ang maunawain na asawa ay makakatulong ng malaki. At  kung matulungin at maunawain ang asawa, siyempre mas nagaganado ang babae makipag sex sa kaniya. 

    Ayon kasi sa mga pananaliksik, ang dahilan na na-a-arouse ang babae ay iba sa pagiging aroused na lalake.Ang arousal ng lalake ay mabilis at matindi. Kadalasan ang dahilan ay sekswal lamang: may magandang babaeng lumakad sa harap nila, mayroon isa naman na ngumiti sa kanila, atbp.

    Ang arousal  naman ng babae ay mas komplikado kaysa rito. Maraming beses, hindi ito tungkol sa sex mismo.  Bihira lang ang babaeng na-a-arouse dahil may nakitang silang guapong lalake o may ngumiti sa kanila  ng isang may magandang katawan.


    Kadalasan, ang arousal ng babae ay naguumpisa sa kabaitan at pagiging pasensyoso ng asawa.  Kahit nakakahiyang sabihin, at sisikapin kong sabihin ito sa paraang hindi ninyo iisipin na gold digger ang mga babae, ang pagbibigay ng regalo sa babae ay nakakatulong ring maging mas aroused ang babae.

    Kung alam mo ngayon, Joshua, na mas matagal ang misis mong ma-a-arouse dahil wala na siyang ovaries, sana ay magiging mas maunawain at mas mapasensya ka.

    Kung alam mo na hindi mbabasa ang asawa mo ng kasing bilis o kasing dami, kagaya noon na mayroon pa siyang ovaries, sana ay tagalan mo ang foreplay (pagroromansa) sa kaniya.

    SO…kahit na may maaaring may epekto ang oophorectomy sa inyong sex life, mayroon kayong magagawa para ma-counter ang mga epektong ito.  Iilang mga babae ang nagsabi na lalo pa ngang gumanda ang sex life nila, dahil hindi na sila takot mabuntis. 

    Inaasahan ko na nakatulong ang kolum na ito, Joshua. Kung hindi, sana sulatan mo nanaman ako. Ingat—MG Holmes

  • Active Sex Even at 56....


    Hi po Dra. Holmes:

    I am now 56 yrs old and so with my wife. We’ve been married since 1980. But if counted, maybe 6 yrs lang kami magkasama, kc OFW po ako up to now, here in riyadh.

    I  observed na kahit after her menopausal lalo sya naging wet and hot and she likes to have 69, frequently.
    My question is, is it hygienically safe kahit dina sya dinadatnan? She’s having her regular check-up (pap smear, etc….) and wash regularly, though.  Is it possible for me to acquire bacteria from her’s?
    Just Call me… Big T.

    Dear Mr. BIG T:


    Many thanks for your letter.  Like most of our body parts, your wife’s vagina may has some bacteria.  BUT whatever bacteria she has will NOT make you sick.  This is presuming that she has no sexually transmitted disease…which para namang hindi, di po ba, Mr. T?

    In fact,  one of the favorite things doctors like to say when oral sex and 69 first became more openly talked about was that our mouths have far more  bacteria than our genitals do.
    I am so glad you asked this question though, Mr. T, as I am sure many people wanted to ask the same question. Ingat at salamat—MG Holmes

  • Libangan ni Mister: Inom at Beerhaus

    good morning...

    dra. gusto ko lng po ishare s inyo at umaasa n mbgyan ng payo...at present im staying here in japan about 1 year pero twice n po akng nkauwi dhil my asawa po ako n nsa pinas..npkhrap ng magkalayo pero kylangang magtiis dhil d hbang buhay aasa s mgulang ako ang nbgyan ng chance n mkapag abroad kya msakit mn s asawa ko pnayagan nya ako..simple lng nman ang pangarap ko ang mkaipon ng konti at doon n magstay s pinas..everyday dn nman kmi halos mgkausap ng asawa ko kaya lng my mga bgay tlagang d maiiwasan n pag awayan nmin dhil mlayo kmi s isat isat lately puro away kmi s ibat ibang mga bagay nhi2lig kc cyang uminom inom at last n pnag awayan nmin nun mlaman ko n ngpunta pla sya s beerhausan npakasakit s kn nun wla mn cyang gnawa  dun pero npkhrap isipin n ang asawa mo mgpu2nta dun dhil s galit ko s knya mrami akng nsbing d mganda at s huli cnbi ko s knya n mghwalay n kmi dhil ngpa2kpgod ako d2 ng pgtra2bho tpos cya magpa2kasaya lng...ako d2 hlos d lumalabas ng bhay dhil mahal n mahal ko cya...2 weeks n kming wlang communication d ko n alam ang status ng relationship nmin...tpos nagtxt cya s kin n gusto n dw nyang magasawa d ko alam kng totoo o pnapaskitan nya lng ako..mahal n nmahal ko p dn cya pero kylangan ko dn nmang bgyan ng respeto ang sarili ko..ano po b mganda kng gawin..
     
    thanks po...and more power 

    Hi, ANGELIQUE
     
    Maraming salamat sa iyong sulat at agree ako sa iyo 100% na ang respeto para sa sarili ay kailangan ng lahat ng tao.   At kasama din doon ang iyong di pagtanggap ng situwasyon na walang respeto ang asawa mo sa iyo. Mabuti pang walang asawa kaysa sa asawang hindi ka ni-re-respeto.

    Ang mahalaga ngayon siguro ay eksaminin kung ang asawa mo ay talagang walang respeto sa iyo. 

    Para masagot natin ito ng wasto, na hindi nag-a-apekto ng sobra ang emosyon, maaari mo kayang sagutin ang mga sumusunod?


    1. Ano ang trabaho ng asawa mo sa Pilipinas? Kung wala siyang trabaho, kailan siya nawalan?  At ano ang mga dahilan na nangyari ito? 
    2  Kanino mo pinapadala ang iyong sueldo? 
    3. Mayroon ka bang iniiwan para sa sarili mo na hindi lamang para sa pagkain o saan ka titira?   In other words, mayroon ka bang iniiwan para sa sarili mo para sa “discretionary spending”?  pagagasta, kahit kaunti lang, para sa iyong sariling kasiyahan
    4. Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa text niya, na gusto na niyang magasawa? Pasenya ka nalang sana, pero di ko ma-gets.  May asawa na siya, at ikaw yon.

    Hihintayin ko ang sagot mo, ok, Angelique?  Ingat—MG Holmes
     

  • Active Participation, Nais ko sa asawa ko (Part 2)

    Dear Barry:

    Maraming salamat sa inyong sulat.  Ipagpatuloy natin ang ating pinapagusapan noong Friday.  Kung gusto mong maging mas activre ang asawa mo sa kama, mabuting umpisahan mo na ang iyong layunin kahit nasa Dubai ka pa.

    Magagawa mo ito sa email o, mas mabuti pa (dahil real time ito), sa web chat o telephone calls.  Alam kong nilalambingan mo siya sa  telefono, pero ngayon, lambingan mo siya ng may kahalong sekswal na motivo.  Kung sabihin niyang nahihiya siya, i-tancha mo sana (try to evaluate) kung talagang shocked na shocked siya na gusto niyang tumigil ka kaagad, o kaunting hiya na, kung lambingan mo pa siya, ay makakarespond siya.

    Kung shocked na shocked siya, ibig sabihin masyadong maaga ang iyong pagkasabi.   Hindi masyadong sekswal, pero masyadong maaga lang.  Kasi palagay ko, kung mahal ka talaga ng asawa mo at gusto ka niyang pasiyahin, gagawin niya ang lahat para pasiyahin ka niya.  Kasama na diyan ang kaniyang pagiging active in bed.

    Ang kailangan mo lang mahanap ay ang paraang magawa niya ito na hindi sagabal(?) sa kaniyang tunay na katauhan (mahiyain, marahil may pagka konserbatibo, atbp.)

    Kung dahan dahan mo siyang i-introduce sa mga gawaing sekswal, magagawa niya ito dahil unti unti ang pagka introduce mo sa topic.  At hindi apurado. Parang isang batang tinuturuan mong lumakad.  Hindi mo inaasa na sa paggagapang niya, makakatalon siya kaagad.  Una, kailangang matuto siyang lumakad.  Pagkatapos na ang pagkakarera o pagtatalon.

    Kung gusto mo sana mag oral sex ang asawa mo. Huwag mong hingin sa kaniya ang paglunok ng tamod mo kaagad.  Una, baka halik lang malapit sa ari mo.  Pasensya ka lang kung napakatagal niya bago magawa ito.  Tapos, paghalik ng ari mo mismo, kahit na mabilisan lang ang pagkagawa niya nito…tapos. Ang susunod na step, pero kailangan laging hinay hinay lang, ok?Inaasahan ko na nakatulong ako sa iyo, dearest Barry.  Ingat sana kayong dalawa—MG Holmes

     

  • Active Participation, Nais ko sa asawa ko

    Dear Doktora Holmes,

    Isa po akong OFW dito sa Dubai at nakaschedule pong magbakasyon ngayong December. Gusto ko po sanang maging masaya at sulit ang pagbabakasyon ko kasama ang aking pamilya. Itatanong ko lang po doktora kung paano magiging active ang aking asawa sa aming pagsisiping. Kasi po mahiyain po kasi sya at tahimik sa tuwing magtatalik kami. Gusto ko po sana at siguro yun din ang gusto ng madaming lalaki na masigla o may active participation ang asawa ko sa tuwing magtatalik kami, kasi po sa totoo lang mas ginaganahan po ako pag active ang asawa ko.

    Sana po ay mabigyan nyo ako ng ideya kung paano ko ma iencourage ang asawa ko sa nais ko.
    Maraming salamat po at inaasahan ko po ang inyong sagot o payo bago po ako umuwi sa Pilipinas.  BARRY

    Dear Barry:

    Maraming salamat sa inyong sulat. Na-i-imagine ko na napaka excited ninyong dalawa na magkikita na kayo itong Disyembre.Mahirap magbigay ng payo tungkol sa ibang babae,lalo na kung hindi mo siya kilala, pero susubukan ko, ok?

    Una, ang pinaka maiging paraan para ma-kumbinsi ang isang tao gawin ang isang bagay ay dahan dahan.  Masyadong malaking talon (too big a jump) na tahimik siya sa kama, tapos, in-e-expect mo na siyang isigaw ang pangalan mo kapag nakarating siya sa langit.  Palagay ko hindi yan magagawa ng misis mo, dahil hindi yan magawa ng halos lahat ng tao.

    Ituring mong parang anak mong umpisa lang natututong lumakad.  Hindi ba, napaka gentle mong turuan ang anak mo, at punong puno ng paghahalik at puri kapag makagawa siya ng kahit kaunting improvement? Yan ay dahil ang paglalakad ay isang bagay na kahit kailan ay hindi pa nagawa ng bata, kaya malaki ang tulong ng puri at pasensya.

    Kagaya ng asawa mo, na hindi pa alam papaano maging mas expressive sa kama.  Dahil hindi  siya bata talaga, mapapagumpisahan mo na ang iyong “pagturo” habang nasa Dubai ka pa. 

    Makakatulong kung tandaan mo na ang pagiging mahiyain ng asawa mo ay isang dahilan na napamahal siya sa iyo.  Baka kailangan rin ng asawa mong ma-remind tungkol rito para hindi niya isipin na tinatakwil mo ang buong personality niya, o kahit ang buong pagsisiping ninyo.  Masarap sa iyo ang inyong pagsisiping, gusto mo lang sana na mas expressive siya sa kama kasi baka mas makakasarap ito sa inyong dalawa. 

    Ano kung  sabihin niya na nahihiya siya at kahit kailan ay hindi niya magawa ito?  TO BE CONTINUED SA PART 2 BELOW

  • Infidelity and False Dichotomies-PART 1


    Good Day Dra.

    His 39yo,OFW married w/child.lately lng sila nagkabalikan coz of my advice,im the bridge for them mkapagusap  magasawa for almost 5 yrs hindi nagkikita. ayoko maging 3rd party although nakilala ko si Chief gnun na situation,hindi ako nang-agaw,iba nga talaga ang pagsasama na may basbas ni Lord,still and for the sake sa bata,magkakasama na muli sila.It hurts,but I accept it.I look for somebody na alang sabit.I have found pero,hindi ko maiwasan ma-compare siya ke chief,kahit may age gap kami ni chief(26 ako),may mga sexual activities kami,hindi namin naranasan sa mga asawa namin at ako sa new bf ko.As long as safe kami sa sex,safe na hindi alam ni misis at ni bf about us.Im doing this for respect for myself,hapiness na pinagkait ng mga taong,i dont think i dont deserve msaktan ako.am i selfish?ayoko masaktan si misis pero ayoko rin magdusa ako,hindi ko makita sa bf ko un hapiness na ke chief ko lng naramdaman (kung pwede nga lang maging muslim siya,kahit number2 na lang ako) now how can I be contented or satisfy w/ my new partner after i already try to discuss it with him.Ayoko ko naman,search&search,tikim ng tikim kung sino sino guys..no!no!.pero ayoko rin ma-drain.i know malalaman at talaga ng both parties,im just prepared sa mga mangyayari.Tnx and more power to you DRA.  God bless.purple

    Dear Purple:

    Maraming salamat sa iyong sulat. Dahil ang iyong tinatanong ay tungkol sa anong dapat gawin mas mahirap siyang sagutin. 

    Marahil mas maigi ang i-share ko nalang sa iyo ang aking nakikita sa aking clinical practice, para mas may basehan ka sa iyong desisyon.

    Kung tama ang aking pagkaintindi, ikaw ay naging bridge para magkabalikan si Chief at ang kaniyang asawa.  Kahit ayaw mo sanang maging third party, yan ang nangyari dahil kayo ni Chief ay nagkaroon ng relasyon.

    At kahit na nagkabalikan na silang magasawa, at ikaw ay mayroon nang bagong boyfriend, hindi pa ninyo makalimutan ang isa’t isa.  So, nagkikita pa kayo. Hindi ba yon ok dahil hindi ninyo mahanap ang happiness at excitement sa inyong mga partners sa kasalukuyan?  O selfish ka ba dahil dito?  TO BE CONTINUED

  • Infidelity and False Dichotomies-PART 2

    Dearest  Purple:

    Ikaw ay malalim magisip at matinding magdamdam kaya sasabihin ko na sa umpisa na malaki ang respeto ko sa iyo. Sana tandaan mo yan dahil mayroon akong isusulat na baka magulat ka.

    Una, ang pagsabi mo ng mga situwasyon ay hindi ibig sabihin na ganun nga talaga ang nangyayari. Halimbawa: “ayoko maging 3rd party at  hindi ako nang-agaw (at) ayokong masaktan si misis.”  But purple, dahil sa mga kilos mo, 3rd party ka pa rin at mangaagaw.  AT nasasaktan pa rin si misis kahiut ayaw mo siyang masaktan. “wishing doesn’t make it so.”

    Mayroong dalawang bagay na gusto mo, pero hindi puede na ang dalawa ang mangyari.  Ayaw mong bitawan si chief.  Pero ayaw mo ring masaktan si misis, etc.,

    Masakit man o hindi, kailangan mong isipin ano talaga ang mahalaga sa iyo. Kung mas mahalaga sa iyo si Chief, tanggapin mo na mas mahalaga sa iyo ang iyong kasiyahan kaysa kaligayahan ng iba.  Kung talaga mong ayaw mong m,asaktan si misis etc. 

    kailangang hindi na kayo magkita ni chief.  Otherwise, bale wala lahat ng sinasabi mo.

    Gaya mo, mayroon din akong ayaw gawin. Ayokong akala mo na maging malupit sa iyo, pero mas mahalaga sa akin na hindi ako mambola sa iyo, kaya, sige, tatanggapin ko na ang responsibillidad na kung kailangan akong maging malupit sa iyong mga mata, yun ang ginawa ko dahil mas mahalaga ang ayaw kong mambola sa iyo.

    Pero mayroong good news din!  Abangan sa  PART 3, ok? 

  • Infidelity and False Dichotomies- PART 3

    Dearest  Purple:

    Pinangako kong may good news ako at eto siya.

    Marami kang mga “false dichotomies” sa sulat mo.  Kung ma-recognize mo ito At ibago mo siya sa maraming (At hindi lang 2) posibilidad, hindi magiging napakabigat ng suliranin mo.

    Gusto ko sanang sabihin na, kung i-substitue mo ang false dichotomies sa mang posibilities, gagaang ang bihay mo.  Pero masyado pang matindi (at bago) ang iyong situwasyon at ang makakatulong lang ay oras (araw, buwan, taon) para lumipas.  Totoo ang kasabihan na “tiome heals all wounds.

    Ang false dichotomy ay pagiisip na dalawa lang ang maaari mong pagpilian sa Buhay mo.  Mali ito.  Sa halos lahat ng situwasyon, mayroong mahigit pa sa dalawang maaaring mapilian.

    Halimbawa.Dahil  “hindi (mo) maiwasan ma-compare siya ke chief…nagkita nanaman” kayo ni Chief. 

    Purple, puwede mong i-feel  na mas bagay kayo ni Chief kaysa sa boyfriend mo, pero hindi kailangang magkita kayo muli ni Chief. Ang pagiisip na, yan lang ang magagawa mo (dahil hindi mo siya makalimutan etc.) ay isang false dichotomy.

    Kasi, ang isa pang puedeng mangyari kahit in lovem ka pa kay Chief ay magpasalamat ka at masiyahan na, at least, marami na kayong na-share kay Chief. HINDI mo kailangang magkabalikan  nanaman.  False dichotomy ang isiping na yan lang ang mangyayari

    kahit na gaaanong katindi ang iyong paniniwala na mas ok talaga si Chief sa iyong bagong boyfriend.

    Isa pang false dichotomy ay na isiping ang maaaring lang maging partner mo sa buhay ay ang kasalukuyang boyfriend mo o si Chief. Maaaring mayroon kang mahahanap na lalong bagay sa iyo at mas magaling/matatag/mabait kay Chief.

    Sa katotohanan, false dichotomy ring isiping kailangan si Chief o isa pang lalake para masiyahan ka sa buhay. Maaari ring masiyahan ka sa trabaho mo, sa pagalam na may paninindigan ka sa iyong paniniwala, sa tunay na respeto mo para sa iyong sarili atbp.

    Kung kailangan mo ng iba pang maaaring imahal sa Buhay, hindi ito kailangang lalake.  Maaaring mga barkada mo, o isang best friend, o isang ampon o kahit isang pet dog, o cat o lizard.  Marami akong kilalang ganyan, at bakit hindi diba?

    Finally, kahit na maghanap ka ng ibang boyfriend HINDI ibig sabihin na ikaw ay “tikim ng tikim sa sino sinong guys.”  False dichotomy rin yun. Mayroong marami pang mga paraan na maghanap ng partner sa buhay na walang kasamang tikim.  Maaari ring mas discriminating ka sa iyong mga potential boyfriend kaya hindi kung sino sino lang ang iyong ine-entettain.

    Inaasahan kong makatulong itong bagong pagtingin sa iyong mga choices sa buhay, Purple.  Ingat—MG Holmes

  • …PTSD - Part 1

    Good day  Dra margz,

    Almost 3 years ng e-mail me sau po , noon nasa manila pa aq. I thanks God at nandito po ako sa ibang bansa[dubai], fortunately maganda ang sweldo dito, but the BIG problem of every filipino .......... even dubai ay open city , still sodomy was rampant .

    My dream here in dubai , was to help my  family especialy financial. All of us filipino pala kwento , masayahin at higit sa lahat pala ngiti  with out no malice , but for arab , there WAS! , i think u get what i mean ....... especially for us - nurses.

    minsan hihipuan sa likod, kapag nakatalikod ka , minsan mg shake ng handssabay himas ng harapan nila .... they think[arab] all filipino wants sex in exchange of money .... some BUT not all of US here in middle east.

    Before i decided to go abroad , many stories i received concerning ''male rape'', but b'coz of '' kahirapan sa pinas'' , tinaya naming mga OFW ang buhay sa abroad, ika nga- ''bagong bayani ang sandata ay luha''.

    I never expect na ang kinatatakutan kong ''nightmare' ay mangyayari [ my co-nurses even my mom sa pinas , never ko nasabi itong ''nightmare'']  I’m afraid na laitin ako ng kapwa filipino or magkasakit mom ko sa kakaisip sakin dito.

    It was sunday 12 midnight after sunday service . naglalakad  po ako pauwi kasi dumaan muna ako sa supermarket to buy food[ dinner meal], while walking my isang local[native of dubai]

    i think he's 18 y.o , laking tao. he ask me ''kabayan how are you?[ madaming arab people marunong mg tagalog na dito] 

    i replied , ''I’m fine ''.

    pero ngmamadali na po ako sa gutom. habang ngmamadali ako, sumabay sya sakin , ung iskinita na dinaanan ko madilim . biglang hipo sya sa pwet ko , sabi ko '' brother haram!. pgkasabi ko noon , biglaang yakap sakin , pinipilit nya ako ... my isang babaeng indian nakakita , gusto kong sumigaw pero naisip ko baka ako ang babaliktarin ng arabo at gawan ng kwento para makulong or ma deport

    .... ska first time ko dito sa middle east. pinahubad nya ako lahat ginawa nya sa katawan ko , may isang bagay na hindi ako pumayag ang '' anal sex' , tinusok nya pwet[ finger] pina oral sex nya ako kahit labag sa kalooban ko .  ginawa ko un dahil sa takot . after noon diring -diri ako sa katawan ko . uminom ako ng antibiotic kasi humapdi pwet ko at prophylaxis for hepatitis[ rampant dito ung hepatitis at aids sa middle east esp. sa mga local]. minsan na patulala ako , di ko akalain na mangyayari un sakin .feeling ko sa sarili ang sama kung tao, ang dumi ko. pag gabi dito takot ako lumabas minsan mga pakistani susundan ka hanggang sa bahay mula sa work. sabi nga ng mga filipino dito pa pogi effect ang ginagawa ng mga politiko sa pinas , hindi nila naisip ang mga nangyayari sa mga OFW sa ibang bansa.

    I’m sorry dra Margz kasi filipino language itong sulat ko , para ma express ko ang self .

    Before nasa pinas ako palagi kung sinusubaybayan ang mga  tabloids at  may mga books ako na kayo ang author.

    Hoping na ma received you ang e-mail kong ito.

    HIRAP na HIRAP na OFW sa DUBAI


    Dearest HNHNOSD (HIRAP na HIRAP na OFW sa DUBAI):

    Maraming salamat sa iyong sulat.  Siguro napansin mo na wala akong tinanggal sa iyong sulat, dahil kung gawin ko ito, hindi maiintindihan ng tao gaaanong kasaklap ang nangyari sa iyo.

    Dahil mauubusan na tayo ng espasyo, pagusapan nalang natin ang isang maliit na isyu na, sa aking palagay, ay nakaka-apekto rin ng iyong relasyon sa mga Arabo.

    Sa second to the last paragraph ng sulat mo, nag apologize ka “kasi filipino language itong sulat ko.: 

    There is nothing to apologize for, HNHNOSD.  Tayo ay mga Pinoy so siyempre hindi lang ok, pero completely ok at maganda nga na ang ating sariling wika ang gamitin natin kapag kapwa pinoy an gating kinakausap. 

    Kaya lang marami sa atin ay parang may ‘inferiority complex’ kapag hindi tayo kasing galling sa ingles.  At kadalasan, ang mga marurunong ng ingles ang siyang mismong nagyayabang dahil mas magaling sila sa ingles.  Nakakatawa nga, dahil minsan nagkukunwari pa sila na nakalimutan na nila ang lfilipino kahit na ditto sila lumaki ng first 12 years ng Buhay nila.

    Bri-ning up ko lang ito dahil an gating default setting kapag tayo ay nakabangga sa foreigner ay na sila ay tama at tayo ay mali.  O, mas nangyayari pa, ay alam  natin sila ang bastos, sila ang may mali, pero sa ating ouso, kine-question pa natin kung mayroon tayong ginawang masama kaya yun ang ginawa nila sa atin.  Yan ang dahilan na hindi natin matapat sa ating mga kaibigan na may masamang nangyari, kahit na malaking tulong ito sa atin.

  • …PTSD - Part 2

     

    Dear HNHNOSD  (HIRAP na HIRAP na OFW sa DUBAI):

    Sa PART 1  nasulat ko na minsan, tayong mga Pinoy ay naturuan na basta mas mayaman o kung galing sa ibang bansa, mas magaling kaysa sa atin. Maling turo yon.

    Hindi basehan ng pagkabait o pagkagaling ng tao ang kanyang pagsasalita ng ingles, kaniyang yaman, kulay ng balat o saang bansa siya galling.  Sana proud tayong maging “proud to be Pinoy.”   Hindi lamang kung tayo ay si Manny Paquiao o Lea Salonga.  Sana lahat tayo –katulong, sikolohista, tricycle driver,  newspaper boy—dahil ang ating kagitingan at kagalingan ay di dahil nananalo tayo ng award, pero dahil tayo ay mabait, matulungin sa iba, at nakakabigay ng ligaya sa iba at sa ating sarili, kahit na napakahirap ng Buhay.

    Minsan, mahirap maniwala na tayo ay kasing galing ng ibang mga galing sa ibang bansa, dahil sa pagtrato nila sa atin.  Lalo na kung tayo ay mga OFW na nagtratrabaho sa ibang bansa.  Lalo na kung ang mga tao sa mga bansang iyon ay di nakaiintindi na ang kayamanan o tangos ng ilong ay HINDI  basehan ng kagalingan, kabaitan at karunungan ng isang tao.

    Ayon sa mga may pagkaraming sumusulat sa akin na nagtratrabaho sa Middle East, napakahirap makakuha ng respeto mula sa mga Arabo.

    Hindi nila sinasabing lahat ng Arabo ay ganito, pero sa karamihan ng araw, amng karamihan na arabo na natatagpuan nila sa kalye, sa ospital, sa supermarket, atbp. ay ganito nga. In a way, napaka ironic (saklap?) na tayo na mas may training at pinag aralan sa maraming mga Arabo., ang siyang kumukuha ng orders mukla sa kanila.  Ok lang siguro ito kung ang pagbigay nila ng orders ay may kasamang respeto, pero wala kadalasan, kaya laling masakit.

    Marami sa ating mga OFW na nagtratrabaho sa Middle East ang sobrang nahihirapang takaga dahil maraming mga Arabo ang di makainitindi ng human rights.

    Marami ring mga Arabo ay hindi “ma-gets” tayong mga Pinoy;   At dahil may pagkayabang sila, hindi nila prinoproblema na hindi nila tayo “ma-gets.”    Ang mahalaga lamang nila ay na tayong Pinoy ay kumilos ayon sa kanilang gusto.

    Kung isipin nila na ikaw ay isang prostitute, di bale kung sumigaw ka sa bubong ng mga bahay nila, ganyan pa rin ang trato nila sa iyo.

    Kung isipin nila na ang ngiti mo ay ibig sabihin “game ako,” kahit na anong gawin mo na kahulugan ay STOP. AYOKO ITONG GINAGAWA MO,” bale wala pa rin sa kanila.  Gagawin pa nila ang gusto nila. Kagaya nang nangyari sa iyo, HNHNOSD.

  • …PTSD - Part 3

     

    Dear HNHNOSD:

    Ang tinatawag sa reaksyon mo sa nangyari sa iyo ay Post Traumatic Stress Disorder.  Maraming tao ay magkakaroon ng PTSD (post traumatic stress syndrome) kung nangyari sa kanila ang nangyari sa iyo.

    Ang Post Traumatic Stress Disorder (PTSD) is isang sakit na  emosyonal (emotional illness)  caused by terribly frightening, life-threatening, or otherwise highly unsafe experiences kagaya nang nangyari sa iyo na ni-rape ka sa isang madilim na lugar at hindi ka puwedeng humingi ng tulong kasi baka ibaliktad pa ang nangyari sa iyo. Ayaw mo ring ma deport kasi ano naman ang mangyayari sa pamilya mo sa Pinas? 

    Sapat nang na nagka PTSD dahil sa mga nangyari sa iyo, Cyrus.  Pero dahil:

    1. Isip mo na wala kang magawa dahil rito; isip mo na kung isampa mo ito sa court baka ibaliktad pa ang nangyari sa iyo,  lalong lumala ang iyong PTSD.  Wlaa kang hustisya.  Wala kang pag asa na ang gumawa sa iyo nito ay mapaparusa. 

    2. Isip mo na nag iisa ka.  Dahil wala kang nasabihan nito maliban sa akin, mabigat ang loob mo. Ayon sa karamihan ng pananaliksik na ginawa tungkol sa PTSD, mas nakakatulong ang pagkuwento tungkol sa nangyari sa iyo sa mga taong—kaibigan man o kamag anak---n a malapiot sa iyo. Mga taong alam mong makakaintindi, hindi ka i-ju-judge, at agagwin ang lahat para ma-supporta ka.

    Palagay ko, alam mo na mayroon kang mga kaibigan ganito, mahirap lang mag-take ng first step.  At inaasahan ko na matutulungan kitang i-take ang first step na ito in time.
    Ang mga symptoma ng PTSD na nakikita o sa iyo ay ang sumusunod:

    1. never ko nasabi itong ''nightmare'' [ my co-nurses even my mom sa pinas , never ko nasabi itong ''nightmare'', im afraid na laitin ako ng kapwa filipino or magkasakit mom ko sa kakaisip sakin dito] I’m afraid na laitin ako ng kapwa Filipino (feelings of estrangement);

    2.  minsan na patulala ako  (impaired functioning and possible  occupational instability);

    3.   diring -diri ako sa katawan ko,… di ko akalain na mangyayari un sakin .feeling ko sa sarili ang sama kung tao, ang dumi ko.
    Sa susunod na kolum (Miyerkules, June 11),  paguusapan nating ang mga magagawa mo para mabawasan ang mga symptomang ito (treatment options).  Sana alagaan mo ang iyong sarili, dearest HNHNOSD

  • …PTSD - Part 4

     

    Dear HNHNOSD:

    Ngayon na alam natin na mayroon kang PTSD dahil sa nangyari sa iyo, ito ang iba’t ibang magagawa mo para matulungan ang sarili mo o pumunta sa isang propesyonal na makakatulong sa iyo:

    Ang unang magagawa mo para sa sarili mo ay nagawa mo na: Sinulatan ang Abante at nakakuha ng supporta at (temporary) diagnosis. Temporary dahil baka umiba ito kapag ang diagnosis mo kung sakaling pumunta ka sa isang psychiatrist. (pero,di sa nagmamayabang ako, sigurado ako na accurate and diagnosis rito).

    Ngayon, puwede mong ilawak at ilalim ang iyong pakakaintindi ng PTSD sa internet (pero sa mga reputable sites lamang, gaya ng www.mayoclinic.com o www.wbdoctor.com )

    Super makakatulong kung mayroon kang makausap na mga kaibigan (kahit isa lang ay ok na, pero mas mabuti siguro kung 2 o 3) tungkol sa iyong kondisyon.  Nakakatulong talagang pagusapan ito, lalo na sa mga taong credible para maniniwala ka sa kanila kapag sabihin nila na hindi ka madumi, hindi ka masamang tao.  And kailangang bintanging ay hindi ikaw, pero yung gumawa nito sa iyo.

    Sana ma-examine mo rin ang iyong mga pagiisip na wala namang basehan para mabago  mo ito.  Cognitive Behavioral Therapy (CBT) and tawag rito at mase-search mo rin ang internet para tulungan kang mas maintindihan ito.  Kung mayroon ka pang ibang tanong tungkol sa CBT, sana sulatan mo nanaman ako.  And CBT ay isa sa paborito kong bahagi ng sikolohiya.

    Makakatulong rin ang paggamit ng relaxation techniques (self hypnosis, halimbawa o deep breathing) , gawin ang mga malusog na lifestyle practices—exercise, nutritious meals, matulong ng sapat na oras; at iwasan ang negative lifestyle practices kagaya ng paninigarilyo, pagiinom, pagsusugal, atbp..

    Nakakatunlong rin minsan ang ibang mga gamot, lalo na ang bagong antidepressants (2nd generation)  na tinatawag na SSRIs kagay ng fluoxetine, atbp. Nakakatulong din daw ang mga mood stabilizers  (valproic acid) at antipsychotic.

    Dahil nars ka, marahil may isang doctor na makaka-prescribe nito para sa iyo?  Kung mayroon kang kilalang psychiatrist, yan ang pinakamabuti dahil alam niya ang mga pinaka epektibong gamot para sa iyo. Huwag na huwag kang mag  self medicate, ok, HNHNOSD?

    At siyempre, laging tandaan na gumamit ng gamot kung kailangan at wala substitute ang puwede; pero kung kayang agapan ng psychotherapy (lang) at walang gamot, mas maigi yun.

    Sana natulungan kita, HNHNOSD.  Ngayon lang lumalabas ang mga ganitong nangyayari sa mga OFW, kahit na nakakasigurado ako na maraming nakakaranas nito.  Nagpapasalamat ako na dahil sa sulat mo, namulat kami rito sa Pilipinas, sa tunay na sakripisyo at tiis  ng mga OFW natin. Mabuhay ka, HNHNOSD.  Mabuhay kayong lahat.  Ingat—MG Holmes

  • Does age matter?

    Dear Dr. Holmes,

    I'm a 27 year old professional, and 2 weeks a go I met a 55 year old businessman in a bar. He is single, with no children, and is based in Singapore. Strangely enough, despite the age gap, we hit it off. It was so easy to talk to him, and I felt like I was suddenly talking to someone who made sense. We met up again for dinner, and we ended up making out. We didn't have sex that night coz he had an early flight the next day.

    Anyway, we've been texting since and he has informed me that he'll be coming back here next month and would like to meet up with me again. However, while the age gap doesn't really bother me, my trusted friend cautions me not to meet up with him again, because of the age gap. He is old enough to be my father (actually, he is my father's age!), and for her, it just doesn't feel right. So... my question is, if there is an attraction, should age really matter? He's not married or anything, and we're not hurting anybody. Should I pursue this relationship?

    Thank you so much for your time. . …Rebecca

    Dear Rebecca:

    Ok na ok ipagpatuloy ang relasyon na ganito.

    Marahil, kung ang iyong “trusted friend” ay nasa parehong lugar, mas maiging hindi niya pagpatuloy ang relasyon na ganito.Yan ay dahil, para sa kaniya, hindi ito tama. Pero ikaw ay ibang iba sa kaniya, Rebecca. Mas malawak ang iyong paningin at mas handa kang mag- give it a try.

    Ok lang makinig sa mga payo ng iyong pamilya at mga kaibigan. Pero ikaw (at hindi sila) ang makikipag date sa lalakeng ito, kaya sa huling panig (in the final analysis?) ikaw (at hindi sila) ang kailangan magdesisyon tungkol sa relasyon ninyo.

    Kung talaga silang tunay na kaibigan, mananatili silang kaibigan kahit na gawin mo ang gusto mo (kaysa makinig sa payo nila)

    Mahirap na ngang makahanap ng isang taong totoo at talagang ke-feel mo (who “really makes sense”) kaya ,kung isa siya sa mga taong iyon, ok na ok sikaping makilala mo siya nang mas malalim. Kung maging mas seryoso ang inyong relasyon, kailangan ninyong pagusapan ang inyong sariling damdamin tungkol sa mga anak, pera, manugang atbp at tingnan kung (1) magkatugma kayo; o (2 ) ang mga bahagi na hindi kayo magkatugma ay maaari namang pagusapan para hindi ito maging malaking isyu sa buhay ninyo. Pero kailangan naman ninyong gawin ito kahit na bata siya o matanda. Good luck and tell me how it goes! -- MG Holmes



Copyright © 2006-2007. Dr. Margie Holmes. All Rights Reserved
Creative Ideas by Ivertise Marketing & Web Technologies