Long Distance Relationships are often viewed as an impossible scenario. On the other hand, this type of relationship saves OFWs in various ways. Find out what's in the mind of OFWs and see how they cope, change or simply, survive.
dear dr.holmes,
i am a married woman with grown up kids. My husband is an ofw. My problem lies witihin me. I have an affair with another man.
And I have several affairs actually..all at the same time. There are 5 of them right now.
It's just that 3 of them are also ofws .So we seldom see each other...only during their vacations here. I enjoy being with each one of them. Being loved and having sex with each one.Am i sick?? please tell me...thank you so much!!! sassy girl
Dear Sassy Girl:
Maraming salamat sa iyong sulat. Wala kang sakit dahil lamang ikaw ay nagsisiping sa 5 iba’t ibang lalake. Ok lang yon kung kaya mo ito At hindi ka nananakit o nagsasagasa sa ibang tao.
Mayroong mga magsasabi na sinasagasa mo ang iyong asawa at mga anak sa iyong mga kilos at marahil mabuting pagisipan kung sang ayon ka rito o hindi. Tapos, mababago o mapapatuloy mo ang iyong kilos, hindi dahil ayaw mong magkasakit, pero dahil ayaw mong saktan ang mga malapit sa buhay mo. Ingat—MG Holmes
(Dear Sassy Girl:
(Thank you very much for your letter. Thank you too for being very honest about your needs and your behavior and also for realizing that “the problem lies within me (you).”
(Actually, several marriage counselors might disagree with that, since they believe that “it takes two to tango” and thus whatever one spouse does affects and is affected by the other spouse’s behavior and attitudes.
(I guess one way of finding out how much of an impact your husband has on your behavior is to ask yourself how long you have been behaving this way? Was it before you got married? As soon as or shortly after you married? Or only when your husband became an OFW and thus couldn’t keep tabs on you?
(To enjoy being loved and having sex with 5 different men is not necessarily a sign of sickness. You may be just a very sensual and highly sexed woman.
(I think the problem lies not so much with being physically or psychologically ill, but with the degree of responsibility you feel towards your husband (if any).
(One could say “live and let live” which is what you’re doing now and may continue to enjoy doing for the rest of your life. However, your husband and/or children may not agree with the way you are conducting yourself (should they find out) and perhaps it would be a good idea to determine what is most important to you and conduct your life according to your decision. Take care—MG Holmes)
Dear Dra. Holmes:
ako po ay sumulat sa inyo upang i-share ang nangyari sa aking buhay. Ako po ay may asawa at anak sa ibang bansa, nawalan na po nang permit to stay sa bansa na aming tinitirahan kaya po na obliged po sya na umuwi sa pinas.
tumagal po sya ng 3 yrs sa pinas at doon po ay nag karoon po sya ng ibang ka relasyon. nakabalik po sya dito sa abroad after 3 yrs sa pinas, at doon ko po nalaman ang relasyon niya sa iba. masakit po eto sa akin dahil yung mga padala ko po sa kanya ay nagagastos nya sa lalake at higit sa lahat mahal ko sya, kaya pinatawad ko sya at tinanggap ko na lang ang mga nangyari sa kanya.
Ang problema ko po ay sa tuwing mag kasama kami sa kama, pumapasok po sa isipan ko na sila nang naging lalaki nya ang magkasiping at nasasaktan po ako nang lubusan. Inopen ko po ito sa aking asawa at hindi rin nya alam ang gagawin. sana po ay matulungan nyo po ako. salamat po VICTOR
Dear Victor:
Maraming salamat sa iyong sulat. Masakit talaga ang nangyari sa iyo at wala akong alam na masasabi para makalimutan mo ang mga ito. Pero, inaasahan ko na matutulungan ko kayong dalawa, para maka-concentreate sa kasalukuyan kaysa sa nakaraan,
Kung ang iyong problema ay ang mga pumapasok sa isipan mo tuwing magkasama kayo sa kama, maaaring isang technique na tinatawag na CBT (cognitive behavioral therapy) ay makakatulong sa iyo.
In fact, palagay ko ikaw ay isang mabuting candidate para sa, at matutulungan ralaga ng, CBT.
Yan ay dahil alam mo anu anong mga pumapasok sa isipan mo at kailan ito nangyayari. Pero ang pinakamahalagang dahilan na makakatulong sa iyo ang CBT ay dahil sa iyong pagsusulat ng mga sumusunod na mga salita: “tuwing mag kasama kami sa kama, pumapasok po sa isipan ko na sila nang naging lalaki nya ang magkasiping at nasasaktan po ako nang lubusan.”
Eksaktong eksakto ang iyong sinulat, Victor, at ginagawang klaro ang timing nang nangyayari sa iyo:
Una, masaya ka, dahil kasama mo ang asawa mo.
Pero, ikalawa, may mga situwasyon (halimbawa kapag kayo ay nasa kama) na pumapasok sa isipan mo ang pagsasama ng misis mo sa dati niyang ka-relasyon.
At dahil dito sa mga pumapasok sa isip mo, ikatlo, ang resulta ay nalulungkot ka ng lubusan.
Ito ang unang prinsipyo ng CBT.Na ang ating pagiisip ay ang dahilan para sa ating kalungkutan.Pagkatapos ng shock at lungkot nang una mong nalaman ang ginawa ng asawa mo, ang kasalukyang lungkot pagkatapos nang unang pagka alam mo ay hindi na dahil sa nangyari. Ang lubos ng kalungkutan mo ay dahil sa tuloy ng pagiisip mo sa nangyari na.
Hindi ko minamaliit (trivialize) ang tindi ng iyong pagdudusa at kalungkutan. Alam ko dahil na ang iyong karanasan ay isa sa pinakamasakit na maaaring mangyari sa isang lalake.
Pero ayon naman sa aking karanasan bilang marriage counselor, alam ko rin na kayong dalawa ng misis mo ay maaaring magkaroon ng mas malalim at mapagmahal na relasyon.
Kung ok lang sa iyo, mas papaliwanagan ko ang CBT sa PART 2 below, ok, Victor? Ingat—MG Holmes
Dear Victor:
Pinangako ko na paguusapan natin ang mga Prinsipyo ng CBT (Cognitive Behavioral Therapy) dahil makakatulong ito sa iyo at sa maraming taong may problema, di lang sa relasyon.
Ang CBT ay isang school of thought sa sikolohiya na nagsasabi na kadalasan ang ating pagiisip ay tunay na sanhi ng ating mga damdamin. Maraming beses ang situwasyon mismo ay hindi na ang dahilan ng damdamin (lungkot, galit, kasiyahan) dahil mas matindi ang epekto ng ating pagiisip tungkol sa situwasyon.
Makikita ito sa iyong situwasyon, Victor. Napatawad mo ang asawa mo at mahal mo siya. Ok na kayo pero (to use your own words) “ tuwing mag kasama kami sa kama, pumapasok po sa isipan ko na sila nang naging lalaki nya ang magkasiping.” Eto ang iyong pagiisip.
Ang resulta nito, sa sarili mong mga salita, “at nasasaktan po ako nang lubusan.” Eto ang iyong damdamin, ang resulta ng iyong pagiisip.
Walang nagbibintang sa iyo para sa nangyayari ngayon. Lungkot (at galit) ang pinakapangkariwang resulta sa relasyon kung may isang nangaliwa.
Pero, kahit na yan ang resulta ng halos 100% ng mga relasyon, hindi ito kailangang resulta ng inyong relasyon, Victor.
Ang CBT ay tinuturuan kang i-eksamin ano talaga ang nakakalungkot sa iyo. Ngayon na alam mo ang iyong pagiisip tungkol sa ibang lalake ang nagsasaktan sa iyo, subukan mong palitan ang iyong pag iisip at siguradong papalit rin ang iyong damdamin.
Sana mula sa lungkot, magbago ito sa kasayahan, at pagsasalamat na kayo pa rin ng misis ninyo.
Hindi ko sinasabing maging plastic ka o bolahin mo ang sarili mo.
Sa katotohanan lang, ang CBT ay napaka epektibo sa mga matatalinong may kapasidad mag analyze ng malalim (at tama)Di kagaya ng ibang schools of thought ng sikolohiya, ang CBT ay nagfo-focus sa nangyayari ngayon at ditto (here and now) at hindi sa nakaraan.
Bakit ka nalulungkot ngayon?
HINDI ito dahil nangaliwa ang asawa mo. Maaaring ito ang dahilan nang una mong nalaman ito. Pero hindi ngayon. Ngayon, ang dahilan ay dahil sa mga pumapasok sa utak mo *your thoughts).
Paaano mabago yan? Sa pagpapalit ng iyong iniisip.
Hindi ko sinasabing ngumiti lang at magkunwaring nagbago na ang isip mo. Ibig sabihin nito ay hindi talaga nagbago ang iyong pagiisip.
Hindi ganyang ka-simple. Kailangan ang disiplina, katatagan ng loob, at abilidad mahiwalay ang damdamin sa pagiisip.TO BE CONTINUED
Dear Victor:
Nasabi natin sa PART 2 na makakatulong sa iyo ang CBT. Pinagusapan natin na, di gaya ng ibang klaseng sikolohiya, ang CBT ay nagfo-focus sa here and now, hindi sa nakaraan.
Saan ka madalas na nalulungkot? Ayon sa iyo, tuwing magkasama kayo sa kama.
Mahalagang malaman yan dahil ang mga iniisip mo sa kama at sa oras (time) na yan ay tandaan mo dahil yan ang mga i-e-eksamin mo ng mas malalim. Maaari mong i-eksamin ito sa moment na naisip mo ito, o ma-e-eksamin mo ito mamaya na, kapag mas kaya mong gawin ito.
Ang page-e-ksamin ng mga iniisip mo na nakakalungkot sa iyo ay hindi mo gagawin ng sabay sabay, pero isa isa.. Halimbawa, bakit ka nalulungkot tuwing kayo ay nasa kama?
Ayon sa sinabi mo, nalulungkot ka dahil iniisip mo ang iyong asawa at naging lalake nya ang nagsisiping at nasasaktan ka ng lubusan.
Sa CBT, tatanungin mo ang sarili mo (o ang sikolohista ay magtatanong sa iyo) bakit ka nasasaktan kapag naisip mo silang nagsisiping.
Eto ang pinaka critical na bahagi ng CBT. Maraming lalake ay magsasabi “obvious naman kung bakit ako nalulungkot.”Kung ganyan ang reaksyon nila, ibig sabihin ay hindi nila naiintindihan ang konsepto ng CBT.
Marami kasing tao, lalo na ang mga Pinoy, ay hindi ma ”gets” ang ibig sabihin ng tanong na “bakit ka nalulungkot?”Sa kanila obvious ito. Dahil nagkaroon ng ibang lalake si misis. Pero sabi natin na ang CBT ay ine-eksamin ang “ngayon at ditto” (here and now). Hindi ang nakaraan na.
Ang pagsisiping ni misis ay nakaraan na. Ang nagpapalungkot sa iyo ay ngayon. So, ano ngayon ang nagpapalungkot sa iyo. Ang ordinary layman (na hindi nakarining ng CBT) ay kaagad sasabihin na malungkot siya dahil nag ibang lalake si misis.Ang CBT ay nagsasabi. Noong nakaraan (nang una mong nalaman ito) yan ang dahilan na nalungkot ka.
Pero ngayon na ngayon din, ano sa pagsisiping ni misis sa iba ang mga nakakalungkot sa iyo?
iba iba kasi ang mga sagot ng lalake sa parehong situwasyon mo.
Ang iba ay nalulungkot dahil isip nila hindi na sila mahal ng asawa nila. Ang iba naman, dahil isip nila na mas magaling ang ibang lalake kaysa kanila. At ang iba, dahil isip nila na iiwanan sila ng asawa nila.
Kailangan mahuli mo ano talaga ang pinaka masakit na iniisip mo kapag nalulungkot ka. Kung maraming mga dahilan, i-eksamin mo ang mga ito isa isa, para hindi ka malunod sa dami.
Sa Part 4 below, magbibigay ako ng halimbawa kung paano mo magagawa yan. TO BE CONTINUED
Dear VICTOR:
Pasensiya ka nalang sana kung may pagkahaba ang sagot ko sa iyo. Yan ay dahil ang CBT ay napaka epektibong paraan hindi lang para matulungan kang matanggal ang kalungkutan mo. Ang CBT ay maaaring magamit sa mga ibang mga situwasyon para gumanda ang ating buhay.
Totoo, hindi masosolusyunan ng CBT ang lahat ng mga problema sa buhay.Pero ayon sa mga pananaliksik, ang CBT ay napakaepektibo talaga sa mga problemang nagdudulot ng kalungkutan. In fact, sa iba pang mga pananaliksik, ang CBT ay katumbas ang epektibo sa pagiinom ng antidepressants (gamot para sa sobrang kalungkutan).
Ang pinakamalaking tulong ng CBT ay tuturuan tayong tingnan ano sa ating paniniwala ang walang basehan o sobrang critical sa ating sarili.
Yan ay dahil ang mga paniniwalang ito ay mapapalitan sa mga paniniwalang tama sa pamamagitan ng CBT.
Halimbawa, kung nalulungkot ka kasi isip mo na mas magaling yung isang lalake sa iyo, eksaminin mo itong paniniwala. Mayroon bang ebidensiya na yun talaga ang iniisip ni misis? Habang nagsisiping kayo, sinisigaw ba niya ang pangalan nitong lalakeng ito? Mayroon ba siyang sinabi na nagpapakita na isip ni misis na as magaling siya, kagaya ng, “Kung si xxx ka lang, hindi lang 5 beses, pero sangkatutak na beses ako makakarating sa langit!”
Sasabihin ng iba: Sobra naman ang mga halimbawang binigay ni Dra. Walang Filipina ang kikilos ng ganito!
Ayon sa aking karanasan bilang sexiologist,at sa mga sulat na dumadating sa website ko, maraming mga babae na ganito ang kilos.
Pero balik tayo sa pagka eksamin ng paniniwala na “isip ni misis na mas magaling yung lalake” kaysa sa iyo. Wala siyang ginagawa o sinasabi para maisip mo yun. So, sa obvious na pagkikilos ni misis, walang basehan ang paniniwalang ito.
Ngayon, tanungin mo ang sarili mo: “sa mga hindi obvious na pagkikilos, mayroon bang ibang mga pangyayari na nagsusuporta na mas magaling yang lalaking iyon sa iyo?
Sa karanasan mo sa ibang babae, mayroon bang nagiwan sa iyo dahil hindi ka magaling sa kama? Mayroon bang nagiwan sa iyo pagkatapos na pagkatapos na nagsiping kayo? Kung wala naman, wala rin ang mga kilos ng iba na nagbibigay sa iyo ng basehan sa paniniwala mo na mas magaling ang ibang lalake sa iyo.
Finally, maaari mo ring tanungin si misis ng derecho. “mas magaling ba siya kaysa sa akin?”
Pero pagtanungin mo siyang derecho, kailangang handa ka sa kahit anong sagot. Ano kung ang sagot niya ay “oo” kaya mo ba? TO BE CONTINUED
PART 5
Dear VICTOR:
Tinanong ko sa huling kolum kung kaya mo ang sagot na oo a tanong mong “mas magaling ba yung lalakeng yun kaysa sa akin?”Kahit na nag oo siya sa tanong mo, hindi ito end of the world kung para sa iyo, ang kama ay hindi ang pinaka mahalagang aspekto ng pagsasama ninyo.
Pero kung kailangan mo na, para kay misis, walang mas magaling sa iyo, tepok na tayo. Walang CBT ang makakatulong sa atin”Yan ay dahil ang CBT ay tungkol sa katotohanan. Walang bolahan rito. Ang binabago natin ay ang mga maling paniniwala lang, hindi ang mga totoo.
Pero worse case scenario ang ating ginawang posibilidad, diba, Victor?
Ayon sa tono ng sulat mo noong sept 24, ok na ang relasyon ninyo kay misis. Ang pinakamalaking problema ay ang iyong pagiging malungkot kapag naiisip mo ang dating pagsiping nila sa lalakeng yon.
Malamang ang sagot niya ay “Hinding hindi, Victor.”
Makikita natin sa kaniyang pagsasabing “hindi” ay hindi lamang na ang iyong pinaka malaking kinalulungkutan, na mas magaling siya kaysa sa iyo ay mali at walang basehan. Sana ay Makita mo rin na sobra kang critical sa iyong sarili. Sobra kang critical sa iyong kapasidad bilang nagroromansang lalake (lover). Ang iyong tingin sa sarili rito ay mas malupit (?) kaysa sa tunay na situwasyon.
Ang CBT ay naniniwala na, sa maraming bagay, hindi totoo ang ang tingin sa situwasyon at an gating tingin sa sarili. Ang CBT ay nagtuturo sa ating ng mga paraan para maging mas magaling tayo sa pagre-recognize ng mga maling paniniwala natin.Isang pang halimbawa ng CBT sa relasyong magasawa.
Kagigising lang ninyo ni misis at hinalikan mo siyang good morning. Pero hindi siya nag reciprocate. Hindi ka niya tinakwil, pero parang bale wala lang ang halik mo.
Maaari mong sabihin sa sarili mo, “ok lang yan. Marami siyang iniisip ngayon.” At hindi ka magiging insecure o malungkot. Pero maaari mo ring isipin na hindi ka na mahal ni misis.
Kung alam mo ang CBT, e-eksaminin mo ng mas malalim ang iyong mga iniisip. O tatanungin mo si misis kung tama ba ito o mali. At makikita mo rin na ang iyong ang maling interpretasyon mo ang siyang nagpapalungkot sa iyo. Hindi ang talagang nangyari.
AT, kung sakali mang totoo pala ang mga iniisip mo na nakakalungkot, hindi ba ring alam mo na tama ang iniisip mo para hindi ka na magdududa? At maaari ka na ring magplano kung ano ang gusto mong mangyari?
Inaasahan ko, dearest Victor, na nakatulong ako sa iyo. Ingat—MG Holmes
MBNA (Mr. Babaerong-Nangbubugbog-Asungot.)
hi dra.margie,
i've been an avid fan of yours since when i was in high school until now. im already 34 years of age. im here in taiwan working as an operator in a semicon company.
i am separated for 7 years to my husband. we have an 8 year old daughter. shes in my husband custody.
i've got a relationship with a man who's very affectionate to me. i experience a lot of things in him that i did not experience in my husband. but this man betray me twice..with my bestfriend in college and his brothers wife.
it was happened when i was in the philippines,
now that i am here in taiwan do you think that i can give him my trust,,coz honestly my trust in him is only 30%..and he is also the reason why i resigned in my last job in the Philippines.
thats why i decided to apply here abroad...he also had a bad attitude when he is drunk. he hurt me physically .
dra.do i have to continue my relationship to him or not? im really bothered coz i love him even i know that loving him is not enough....
pls give me an advice to convince my self to start my 1st step to acccept the fact that he is not worthyt to me. Thank you very much.....MARY
Dearest MARY:
Maraming salamat sa sulat mo. Kahit hindi ko kilala ang boyfriend mo, malakas ang kutob ko na wala siyang mabibigay sa iyo kundi sama ng loob at luha. May 2 basehan ito: ang mga pananaliksik na nagawa sa mga nananaksil at nagbubugbog at ang aking karanasan bilang marriage counselor (at sex therapist).
Hindi siya magbabago, MARY, kahit na anong ipangako niya sa iyo.
Nasaktan ka na ng sobra sa kaniyang pananaksil; at pambubugbog, bakit mo pa papahabaan ang iyong impyerno? I-break mo na siya habang maaga pa.
Tingnan mo lang ang kaniyang pagtataksil . Masama na nga ang magtaksil kahit isang beses, pero dala-dalawa pa (na alam mo). Tingnan mo rin sana sino ang kaniyang siniping? Sa lahat ng mga babae sa mundo, tinaksil ka sa iyong best friend. Tinaksil rin niya ang sarili niyang kapatid sa kaniyang asawa ?
Quit while you’re soooo ahead, Mary. Don’t settle for second best. Maraming mga lalake diyan sa Taiwan at sa Pilipinas (that is, kung handa ka pang umibig). Pero mas mahalaga, marami ka pang different facets of your personality na puede mong i-explore, lalo na kung wala na diyan si MBNA (Mr. Babaerong-Nangbubugbog-Asungot.) Ingat—MG Holmes
…
Hi dr holmes,
i am a 32-yr old nurse working in europe, married, and with two kids. Recently i met a 50-yr old married man online and we had this 'cyber-relationship' that was intimate, exciting, and exhilirating, and admittedly, damaging to my marriage. I went home two months ago and met up with him, and yes, it was twice the fun being with him in person than online.
I feel bad, yes, and i am so guilt-ridden i can't sleep. I am now back here in ireland, and my online encounters with the man has just got naughtier and more intimate than ever. I am so confused, i have great care for my family and i'd like to believe i'm a good person. This man makes me laugh and is not afraid to argue with me, two things that my husband can't make me. Help. ALONA
Hi, dr holmes:
im gina. just want to ask help from you... im the only child and my parents are expcting a lot from me but im a big failure to them...
what should i do?... i just want to be loved by them coz i grow up with my grandparents coz they have to go abroad to work and now that im with them i am not comfortable...
i mean they dont undrstand me and i feel that they don't love me and they dont cre about my happines...i'll be happy if you would give me some advise ... thank you so much!
GINA
Dear GINA:
Please forgive me. Your letter touched me in so many ways, that even though I had you in mind every minute I was writing this, I fear I may have come across as if writing a thesis instead of writing to you directly. I promise to do better Friday, when we meet again via this column.
Thank you very much for your letter. I imagine many children of OFWs will want to thank you too because what you wrote encapsulates what some, if not many, of them are feeling.
While the sacrifice and dedication of OFWs are undoubted, the difficulties of parent-child relationships that arise from the resultant prolonged absence is one of the less discussed consequences of the long distance relationships that OFW families are forced to experience.
If they’re lucky, OFWs get to come home once a year. They arrive home--laden with presents and hugging their children and asking them how they’ve been. But oftentimes, they scarcely recognize their own children (many of whom have changed, not only physically but emotionally as well). much less know them intimately.
And the same is true for the children, as you poignantly wrote in your letter above.
And yet, despite all the difficulties, huge expectations are heaped upon this visit and often these are not met.
How much more difficult then must it be when a child joins the parents in another country!
The child doesn’t really know them, doesn’t know how to share things with them.. She may not know the culture of the country, may not have even wanted to go in the first place! Not because she doesn’t love her parents, not because she isn’t grateful for all they’ve done, but because she’s left her friends, her way of life, and the grandmother she’s known from the beginning.
It is understandable that your parents have hopes and dreams for you. That is one reason they went abroad and worked so hard to send you money. That is why you, in turn, try so hard to please them and fulfill their hopes.
But ultimately every child has a choice: to put their parents’ expectations above everyting else and to try and make their parents’ dreams come true OR to follow their own hearts and fulfill their own dreams.
Admittedly, a small number of families are lucky enough to find that the dreams for both parents and children are one and the same. But these families are the exceptions. TO BE CONTINUED ...
Dearest GINA:
Now I promise to answer your letter as if writing to you alone, and not writing as if it were to a whole audience. (One more, please forgive me).
I can just imagine how lonely and hurt you must be, trying everything you can to please your parents and yet feeling they think you a failure and nothing you do can make them feel differently about you.
It must be doubly painful because you all--including your grandparents who want you happy-- have been looking forward to finally being together under the same roof for a long long time. (Dobleng masakit siguro kasi matagal ka ng nagloo-look forward sa reunion ninyo, na hindi ka na maghihiwalay sa kanila).
I don’t know if this will work, but have you ever tried telling them how you feel? Not only the negative(like you feel they don’t care about your happiness), but also the positive (like you want them to love you).
In other words, don’t make bola that everything is terrific when it’s not, but don’t come out all negative and accusatory either because that’s not how you really feel, diba?
Kahit na mahirap ang situwasyon mo ngayon, mayroon ka pagasa na maaayos rin ito, dahil kung hindi, ay hindi ka na masasaktan. Mag gi-give up hope ka nalang.
Sorry talaga na lagi kong pinaguusapan ang komunikasyon sa kolum na ito. Pero ito talaga ang pinakamabisang paraan para gumanda ang relasyon ng tao.
Minsan kasi, ang akala nating nararamdaman ng isang tao ay di pala talagang nararamdaman nila. Maaaring akala mo isip nila failure ka, pero sa totoo lang, isip pala nila failure sila dahil matagal silang malalyo sa iyo.
Kailangan siguro ikaw ang magbukas ng pangangailangan ninyong magusap. Kung maganda ang resulta nito, very good. Pero kung sakaling hindi, sulatahn mo nanaman ako at together, maghanap tayo ng ibang paraan para maayos ito, ok? Masyadong mahalaga ang relasyon ng magama (mag anak?) para mag give up lang kaagad. Ingat—MG Holmes
Dear Dra. Holmes:
I always read ur column at madami ako natututunan sa inyo.
I’m 28 y/o. My fiance is in the US right now. But last march he went here and we talked 2 my parents to ask 4 their blessing kc nagdecide kami na magsama at sa bahay na nya ako magwait ng result para sumunod na ako sa US.
My problem is his 2 kids: 16y/o girl and 14 y/o boy. DATI super close kami ng daughter nya until nung umuwi sya last march pumasok sa eksena ang ex nya.
May kinakasama na ito at ex nya ang dahilan kaya nasira ang pamilya nila. They're separated for almost 10 yrs now. She's working in a club at wala syang nacontribute para sa pag aaral at pag-aalaga sa mga bata but still the loyalty and sympathy ng mga bata sa ina pa rin kase nabrainwash nya ang mga ito.
Even her live-in partner lagi nakikita sa apartment ng mga bata at dun kumakain at natutulog but all the gastos are from my fiance’s pocket. I don’t care about that.
My fiance is sick and tired na rin. We are buliding a good family now pero nanggugulo sila. She uses the kids to make my life miserable kase wala dito ang fiance ko. but I’m stil thankful kase napakabait ng fiance ko at he's always at my side.
we don’t have any secrets from each other. we talk everyday thru internet but sometimes i feel bad at pag naiisip ko masyado ba akong nagmadali? But i love him so much! Pls enlighten me dra. JANICE
Nawalan ng Gana sa Asawa - Part 1
Dear Dra Holmes:
good day po doc...sana po matulungan mo po ako sa aking mga sexual na katanungan at mapayuhan mo po ako upang mabigyan liwanag ang nakatagong lihim sa aking puso at isipan.
ako po ay married na for almost 3 years at meron na pong isang anak maliban sa pinagbubuntis ngayon ng aking asawa. noong wala pa kaming baby ay napaka-active ko sa sex halos araw araw 2x namin ito ginagawa. bihira nalang ako makipagsex sa kanya ngayon at minsan sya na ang magpapakita ng motibo.
ayoko ko rin ma offend sya pero minsan parang dinadaya ko na lang sarili ko. ayaw kung gumamit sa iba dahil ayaw ko ring magkasala sa kanya dahil mahal ko sya. ano bang dapat kung gawin doc para manumbalik ang tamis ng aming sexual life. sa totoo lang doc mas nalilibugan pa ako kung magmamasturbate kesa makipasex sa kanya.normal ba ang ginagawa kong ito?sana matulungan mo ako sa madaling panahon.god bless u!!!
nagpapasalamat ang misis ko at iba’t-ibang posisyon pa. siguro na rin attractive sya para sa akin noon. pero doc noong simula nagkaroon na kami ng baby parang malaking pinagbago ang sexual life namin.
unang-una mahal ko po ang misis ko at hindi ako nagloko sa kanya kahit nasa ibang bansa ako nag work ni minsan wala akong masamang ginawa sa kanya(pambabae)pero doc bakit parang nawala ang aking gana sa sex noong bigla nalang syang tumaba at para bang napabayaan na nya ang kanyang katawan at nawalan na ako ng gana makipagsex sa kanya. JAIME
Dear JAIME:
Maraming salamat sa iyong sulat at sa iyo ring pagiging faithful sa iyong asawa kahit na minsan napakahirap nito.
Ikaw mismo ang nakaintindi ng isa sa mga dahilan na marahil nawalan ka na ng gana sa asawa mo.: ang kaniyang biglang pagtaba AT anf kaniyang (tila) pagbabayaan ng kabiyang katawan.
Iba kasi rin ang pagtataba, lalo na immediately after manganak siya, dahil kadalasan, hindi na-re-realize ng babae na, unless mag exercise at magdiet siya (wala ng sobrang matatamis, atbp—pero hindi sa punto na ma-effect ang kaniyang kalusugan o pag bre-breastfeed sa inyong anak) mananatilin siyang mataba. Lalo na sa unpisa, parang naiintindihan ng lalake ang situwasyon, lalo na kung maghanap siya ng paraan para pumayar nanaman.
Pero ying pagbabaya sa kaniyang karawan ay iba ng bagay. Marami siyang magagawa para bumalik ang kaniyang pagaakit, at marahil hindi lang pisikal (ang kaniyang katawan) at visual (ang nakikita mo) ang nakaka apekto nita pero sikolohikal rin.
Marahil medyo ka disappointed rin na hindi siya mag ayos sa sarili. After all, marami kang ginagawa para sa inyong relasyon—magtrabaho sa malayong lugar para bigyan sila ng magandang buhay, hindi pagbababae, atbp. Maaari bang isang bahagi ng puso mo ay nagtatanong, sana naman alagaan niya ang katawan niya kung di para sa kaniyang kasiyahan, de para naman sa akin?
Nawalan ng Gana sa Asawa - Part 2
Dear JAIME:
Iniwan natin ang diskusyon sa PART 1 sa pagbibigay ng kaibahan ng pagiging mataba (sometimes, hindi natin ma-kontrol) at pagbabaya sa sarili (mako-kontrol natin). Para sa mga mahilig sa balingkinitan (kagaya mo, at ok lang yon, Jaime) maaaring mahirap maakit sa matataba, pero palagay ko, dahil mahal mo ang asawa mo, kaya mo pa ring mahalin at maakit sa kaniya kung mag ayos lang siya sa kaniyang sarili.
Kahit kalian ba tinatanong ng misis mo sa iyo ano ang problema? Bakit parang biglang umiba ang sex ;life ninyo? Masasabi mo kaya sa kaniya ang iyong mga damdamin? Na sana lang, pagpanganak niya ng ikalawang baby ninyo, pareho kayong mag exercise, kahit paglalakad ng 30—pagaktapos, 60—minuto? Nakakapayat yun, at siguro ma-rerequest mo sa kaniya na pagpatuloy niya ito kahit bumalik ka na sa ibang bansa.
Siguro rin masasabi mo, kung gaano mo na-mi-miss ang kaniyang pagbibihis ng espesyal para lang sa iyo, o ang paglalagay niya ng perfume, o pagsisigurado na maayos ang kaniyang buhok (at, o makeup) pagdating mo sa bahay.
Kung magisa lang siyang nagaalaga ng 2 bata, mahirap gawin ito. Pero makakahanap siya ng solusyon, kahit na sa unang pagbalik mo (ang nanay niya o nanay mo? Isang kapitbahay?) at iilang mga okasyon habang nasa Pinas ka pa. After all, ang kasarapan ng sex ay di lamang sa gaanong kadalas, pero sa matamis na pagalaala ng mga dating pagsisiping ninyo (ngayon na maayos na siya at sana lumiit na rin siya sa pag e-exercise at sana rin diet).
Hindi ko alam kung ang mga ito ang sagot sa iyong problema. Sana subukan mo siya at kung parang may kulang pa rin ang sex lives ninyo, sana sulatan mo ako muli, ok? Good luck at Ingat sa inyong dalawa—MG Holmes
Dear Dra Holmes:
gud day dra. I’m just curious, my husband sometimes request me to have sex on phone, is it okey to do so? On my side i don’t want to do so just to pretend to him that i like to do so, please help me how to tell my husband not to do so...... is there other alternative just to satisfy him?
ELEANOR
Dear Eleanor:
Maraming salamat sa iyong sulat,. Okay na okay makipag phone sex sa iyong asawa, lalo na kung siya ay nasa ibang bansa, napakalungkot, at hindi nambababae. Marahil ito ang kaniyang “substitute” para sa inyong pagsisiping at makakatulong sa kaniyang pagiging matapat sa iyo.
Pero kung hindi mo talagang masikmura ito, okay na okay ring tumanggi, pero sana gawin mo ang iyong pagtanggi ng malumanay at dahan dahan (?) sa kaniyang emosyon.
Alam mo naman ang mga lalake, minsan napaka sensitibo sa mga bagay tungkol sa sex. Minsan personal ang kanilang pagdinig sa iyong mga dahilan kung bakit mo ayaw gawin ang isang bagay. “Mahal na mahal kita, pero marahil dahil napaka strikto ng aking magulang, hindi ko talaga magawa ang SOP (sex on Phone)”
Ang mariringig lang ng ibang lalake ay ayaw mo itong gawin. Period. Hindi ang mga dahilan, pero ang palin at simpleng fact na (basta) ayaw mo.
Sa sana may kasamang lambing at pangako ng napakasarap na mangyayari kapag bumalik na siya. (pero mangako ka lang, Eleanor, kung kaya mong itupad ang pangako mo, ok?)
Hindi ako nakakasigurado, pero baka makatulong itong 2:
Tanungin mo sa kaniya kung ano pa ang kaniyang hiling sa iyo maliban sa SOP? Sana naman matutupad mo yung iba? Kung wala siyang maisip, ano kaya magpadala ka (either by email o snail mail) na magaganda at nakaka akit na mga letrato mo…yung mga may pagka seksi na ipapakita mo lang sa asawa mo?
Sana rin, dearest Eleanor, subukan mo, kahit 5 beses lang, ang makipag SOP. Para lang malaman rin niya na hindi ka lang tumanggi na walang basehan. Para malaman rin niya na, kahit hindi mo talaga type ang magSOP, at elast sinubukan mo ito dahil sa malaking pagmamahal para sa kaniya.
Bakit 5 beses? Dahil sigurado akong hindi mo magugustuhan ito sa 1, 2 o 3 beses mong subukan ito. pero sa ika apat o ika lima, baka maaalis na ang iyong paghihiya at (o) ang iyong pagdududa tungkol rito at baka (sana naman) kung hindi mo magustuhan, at least kaya mong gawin para sa asawa mo.
Kung yan nag ang mangyari, then very good. Pero kahit hindi yon ang resulta, at least ginawa mo lahat nang magagawa mo para masiyahan siya at pangako ko na yan ay magiging malaking bagay sa kaniya. Ingat—MG Holmes
Dear Dr. Holmes,
I never see my new born baby yet for the past two years coz i been working here sa jeddah saudi Arabia. My wife is already reaching her due date when my application was granted kaya when she make her delivery i am not there. so i never even hold my new born baby.
My question is that is there any suggestion that u can tell me so it will be easy for me and my baby to have a quick bonding by d way i am returning to philippines this feb 17,2008 so i am very excited hope you can help me.. tnx more power
JESSE
Dear Jesse:
Thank you for your very powerful and touching letter. You will be back in the Philippines in four (4) days so I hope some of these things can help you.
Kahit na apat na araw nalang bago ka umuwi, mayroon ka pang magagawa—hindi marami at hindi super efectivo (useful)—kahit wala ka pa sa Pilipinas.
Una, sabihin mo sa asawa mo na magkuwento siya tungkol sa iyo kahit wala ka pa doon. Kung may picture ka, ipakita niya sa anak ninyo at maaari pang halik halikan pa niya ito. Ang karamihan ng mga 2 taon ay mahilig gumaya sa kanilang mga magulang, kaya baka gusto rin ng baby ninyo na halik halikan ang letrato mo.
Kung may web cam ka at may skype, mas mabuti pa. kasi, puwede ka niyang makita ng personal at puwede ring makita mo siya.
Ang skype at paraan na magsalita ng free kung dalawa kayong may computer ng asawa mo at dalawa ninyong I-down load (for free!). Pero kahit wala kang webscam o skype, maaari mo pa siyang kausapin sa telefono.
Tanong mo ang sinasabi ng asawa mo when your baby is well behaved and does something particularly nice/pleasant/clever (kapag maganda ang ginawa o malinis at mabait siya). Yan rin ang mga salitang gamitin mo sa kaniya.
Ang mahalaga rito ay na ginamit mo ang mga salitang ginamit ng asawa mo, kaya alam niya na:
1. Magkakilala at malapit ka sa pinakamahalagang tao sa mundo niya; at
2. Alam niya ang sinasabi mo, ang ibig mong sabihin kasi natuto na siya sa mga kahulugan ng mga salitang ginagamit mo.
Huwag ka sanang masakatan kapag hindi siya mag respond kapag kausapin mo siya sa telefono atbp. At least, naumpisahan mo na ang prosesso na pagkikilala sa isa’t isa.
Bonding may be slow, but be patient. Tandaan mo na mayroon ka pang maraming oras pagbalik mo, para mas makipag bond sa kaniya. Yan ang ating paguusapan sa PART 2. In the meantime, good luck at ingat ka sana—MG Holmes
Dear Jesse:
Sa itaas, pinagusapan natin ang magagawa mo bago ka pa umuwi sa Pilipinas, Ngayong naman, pagusapan nating ang magagawa mo pagbalik mo sa doon.
Una, Jesses, sana tanggapin mo na bihira lamang ang nagkakaroon ng quick bonding sa mga anak na hindi nila nakita ng matagalan. Lalo na kung hindi pa sila kilala ng mga anak na ito. Hindi ko sinasabi ito para madismaya ka. Rather, sinasabi ko ito, para hindi ka masakatan kung mas matagal ang pagbonding ninyo kaysa sa inaasahan mo. Alalahanin mo na “hindi personalan,” ganyan lang talaga ang bate.
Ang good news ay, since 2 taon lang ang anak mo, wala pa itong hinanakit o tampo sa iyo dahil “nawala” ka sa buhay niya. Hindi ka kasi nawala, (na una kilala ka niya, pagkatapos nawala ka nang umalis ka para magtrabaho). Para sa kaniya, parang may bago siyang kalaro na maydala pang pasalubong (pero hindin kailangang mahal o marami).
Mabuti na parang may bago siyang kalaro, pero mabuti rin na initindihan niya sa umpisa na ikaw ay susundan , mamahalin at ipakikinggan kagaya ng gawa niyan sa Nanay niya. Kung noong araw ay nakatulog sila ng katabi ng misis mo, sana ay, sa umpisa, huwag mo siyang palayasin sa kuarto kasi diyan baka maghinanakit siya sa iyo. Hindi niya makikita na “siyempre, ikaw ang asawa ng mommy niya, kaya natural lang na ikaw na ang tumabi kay mommy.”
` Malamang iisipin niya (kahit hindi pa niya masabi ay) “sino naman ito?!!? Kararating lang, e, gusto na akong ibale-wala at akala pa ay ma-re-replace ako sa puesto(?) ko kay mommy.” Kailangan ay hindi ka magmukhan kompetensiya niya para sa mommy niya. Rather, kayong dalawa ng mommy niya ay nagma,mahal at nagaalaga sa kaniya PART 3 BELOW
Dear Jesse:
Noong Biyernes, pinagusapan natin ang magagawa mo kapag nakita mo naang anak mo. Natapos yung kolum na may payong ganito: “Kailangan ay hindi ka magmukhan kompetensiya niya para sa mommy niya” Una, sinabi natin na, kung sabay sila matulog sa isang kuarto, huwag siyang tanggtalin sa kuartong ito, lalo na kung babalik ka nanaman sa Saudi para magtrabaho.
Okay lang na matulog ka nang tabi ng asawa mo at, kung hindi siya umangal, sana ay mayroon siyang maliit na kamahan na, malapit sa inyong kama pero hiwalay pa rin. Kung sobra naman ang angal niya, at babalik ka sa Saudi pagkatapos ng 4 o 6 linggo, it’s not worth it na iiyak ang bata dahil masaydo siyang nagbabago na malayo siya sa nanay niya. Ang solusyon doon siguro ay na pareho kayo sa kama at ang misis mo ay nasa gitna; para pareho kayong katabi niya.
Tapos, sana paliwanag ninyo na pagbalik ni daddy sa Saudi, silang dalawa nalang ang matitira, pero ok l;ang yon kasi babalik nanaman si Daddy. Mahalaga sa kayong dalawa ang magusap sa kaniya, para hindi parang sekreto niya at ng mommy niya ang nangyayari.
Mahalaga na mainitindihan ng bata na kayong tatlo ay iisang pamilya, at hindi lang na ikaw ay parang interloper (asungot?) na kailangan niyan tiisin hanggang umalis ka nanaman. Mahalagang malaman niya na walang sekretong nakatago sa iyo,…kasi nanaman, ikaw ay oddman out (hindi kasali). Talagang kailangang maging conscious rito, dahil napakadaling makalimutan ito lalo na kung nasa ibang bansa ka.
Pero kung tumulong ang asawa mo makakamit ninyo ang maging isang pamilya sa kaniyang mga mata, kahit na bihira ka sa atin. Tawagan mo sila ng madalas (I-download mo na ng skype! At kung mag download rin ang misis mo, walang bayad ito!!), at kausapin mo ang misis mo at ang anak mo. Kahit na hindi matagalan, basta madalas para matandaan ng anak mo sino ka. Kahit na makikinig lang siya sa boses mo sa umpisa dahil nahihiya siyang magsalita. Maya maya, magsasalita rin siya sa iyo, at napakasarap ng marining mo siyang tinatwag ka ng daddy. Sana, Jesse, nakatulong ito sa iyo. Kung mayroon pa akong maipaglilingkod sa iyo, sana ay sumulat ka nanaman sa website. Warm regards nalang sa inyo at sa pamilya mo—MG Holmes.