Mas Enjoy Sa Masturbate PART 2
Mas Enjoy Sa Masturbate Part 1
Dear Bicolana:
Maraming salamat sa inyong sulat. Hindi ko kilala ang asawa mo, kaya hindi ko masasabi ang kahulugan ng kaniyang mga ginagawa. Pero mayroon akong masasabi tungkol; sa mga karaniwang ginagawa at nararamdam ng mga mag asawang in their 60’s na nakaranas na rin ng infidelity.
Hindi natin sinasabi yan rin ang iniisip o dinaramdam ng asawa ninyo, pero at least mayroon kang idea kung ano ang nasa isip at puso ng ibang mga lalakeng halos pareho ang ginawa.
Pero una, pagusapan natin ang masturbation kapag may asawa na. Natural lang na magmasturbate kahit na may asawa na, at hindi kailangang nagaaway o naiinis ang mag asawa, Minsan nga, dahil mahal ng lalake ang asawa niya, hindi na niya ginigising ito kapag gusto niyang magsiping ng 2 am. Nagmamasturbate nalang siya.
Ngayon, pagusapan naman natin ang panonood ng mga x-rated films:
Kapag ang mag asawa ay matagal nang kasal—15 years plus—kadalasan nakakatulong ang magkaroon ng “extra” sa pagtatalik.
TO BE CONTINUED IN PART 2
Dear Dra. Holmes,
Matagal ko na pong gustong sumulat sa inyo regarding sa problema ko. Tawagin nyo n lng ako sa pangalang yum, 27,male?.
since bata pa lng ako nararamdaman ko na na iba ang pagkatao ko, sa madaling salita kasama ako sa third sex pero "hidden inside".
alam ko sa sarili ko na hindi ako 100% na lalaki dahil may nararamdamn akong feelings sa same sex ko pero at the same time sa opposite sex ko.
nagkaroon na rin ako ng mga girlfrieds pero iba pa rin ang nararamdamn ko pagnakakakita ako ng gwapo at machong lalaki. pero hanggang dun lng yun nung una.
nagkaroon ako ng sex experience sa kapwa ko lalaki nung 18 ako, di ko alm kung paano at di ko rin magawang itago sa sarili ko ang nakakhiyang pangyayaring iyon dahil pinsan ko pa sya. actually napatol sya sa mga gay, at kaya siguro na tripan ko rin syang tikman pero almost same thing din ang sex preference namin kasi 50/50 din sya e.
after that incident super hiya talaga ko sa kanya.
dra. holmes, di ko alm kung paano ko ilalantad ang sarili ko sa pamilya ko lalo ng na 2 na ang anak ko at may kinakasama akong girl. pero di nman lingid sa kanila ang pagkatao ko e na medyo baklain nga ako..
andito ko ngayon sa dubai , at maraming tukso.. YUM
Dear YUM:
Maraming salamat sa iyong sulat na napaka touching at napakahonest.
Marami akong gustong sabihin sa iyo, pero nagmakaawa ako kay Profesor Rae Aquino-Macapagal, na siya nalang ang sumagot sa iyo. Pareho kaming nagtuturo sa Department of Psychology, UP Diliman, although si Profesor Macapagal, na naging estudyante ko., ay mas bata di hamak sa akin. Ok na ok lang yon (in fact, maganda nga!) dahil siya ay isa sa pinakamatalino at matinong guro sa buong UP.
Inisip ko na mas maiging sagutin ito ni Prof Rae dahil mas malalim ang kaalaman niya sa mga isyung hinaharap ng mga bakla, bisexual, transsexual at transgender. In fact, ang focus ng kaniyang doctoral dissertation ay tungkol sa isyung ito.
Dear Yum,
Hinahangaan kita dahil sa iyong kakayahang magsulat tungkol sa isang sensitibong bagay. Ngunit, gusto ko lamang maging malinaw sa iyo sa simula’t simula pa lang na walang masama at natural lamang ang iyong pagkakaroon ng pagnanasa sa kapwa mo lalake.
Hindi mo ito dapat ikahiya.
Sapagkat ika’y nagkakagusto rin sa babae, maaari kang matawag na bisexual (o silahis). Bagamat hindi pangkaraniwan ang mga ganitong uri ng tao, hindi ito itinuturing na sakit o abnormalidad ng mga eksperto sa sikolohiya at medisina.
Ang iyong pagkukwento na nagsimula ito sa iyong pagkabata ay naaayon din sa mga bagong katuklasan sa agham na ang pagiging bisexual (at iba pang uri ng oryentasyong sekswal) ay maaaring may biolohikal at panloob na sanhi.
Ang iyong pagkakaroon ng karanasang sekswal sa iyong pinsan ay ang isa pang bagay na nagdudulot sa iyo ng hiya. Oo nga’t may matinding kultural na pagbabawal sa pakikipagrelasyon sa mga malapit na kamag-anak.
Pero sa aking palagay ay mas angkop ito para sa mga relasyong maaaring magresulta sa pagbubuntis at pagkakaroon ng anak. Iyon ay dahil nga mas lumalaki ang posibilidad na lumitaw ang mga henetikong diperensiya sa bata kung malapit na magkamag-anak ang magulang niya.
Sa kaso mo at ng iyong pinsan, sigurado tayo wala namang mabubuntis kaya hindi lalabas ang ganoong isyu. Sa tingin ko ay magkakaroon lamang ng problema kapag nalaman iyan ng inyong mga kamag-anak at hindi nila maintindihan ang lahat. Marami rin kasing tao sa mundo na hindi pa masyadong mulat at medyo konserbatibo pa sa ganyang mga usapin.
Ang ganyang relasyon ay matatawag na “double whammy” dahil bukod sa pareho na kayong lalaki, magpinsan pa kayo!
Tungkol naman sa paglalantad mo sa iyong pamilya, hindi ko masyadong maintindihan kung bakit ka pa nahihirapan sa ngayon.
Kung, gaya ng sabi mo, hindi naman lingid sa kaalaman ng iyong pamilya na nagkakagusto ka sa parehong babae at lalake, ano pa ang kailangan mong ilantad sa kanila?
Marami namang mga bisexual na nagkaka-anak at asawa. Siguro’y mahalaga na lamang ngayon na ipaalam nila sa iyo na tinatanggap, sinusuportahan at minamahal ka nila.
Sinabi mo ring nandiyan ka ngayon sa Dubai at maraming tukso. Sa aking palagay ay mga lalake ang tuksong iyan. Hindi ko alam kung ano ang usapan ninyo ng iyong kinakasamang babae. Pero kung ang usapan ninyo’y dapat maging faithful kayo sa isa’t isa, dapat yata ay pahalagahan mo ang inyong pinagkasunduan.
Kung okay lang naman sa kanyang magkaroon ka ng ibang karelasyon, ano pang pumipigil sa iyo? Pero, kung magkakaroon ka man ng relasyong sekswal (sa lalake man o babae), sana’y maging maingat ka at maging maalam tungkol sa safe sex (halimbawa, tamang paggamit ng condom). Ayaw naman nating makakuha ng anumang sakit at maipasa ito sa ating ibang partner, ‘di ba?
Sana’y may naitulong ako sa iyo dito sa aking sinulat. Higit sa lahat, gusto ko lamang na hindi pagmulan ng kahihiyan sa iyong sarili ang iyong pagiging bisexual. Bagamat maraming tao ang magsasabing mali , abnormal o makasalanan ang ganitong identidad, sinisiguro ko sa iyong wala iyong basehan sa larangan ng siyensya o agham. Kung maiwawaksi mo ang ganitong hiya sa iyong sarili, pwede itong magbunga ng maraming mabuting pagbabago sa iyong buhay at pakikitungo sa ibang tao.
Sumasaiyo,
Raymond Aquino Macapagal
Mabubuntis pa rin kahit hinugot
Dear. Dr. Holmes,
Sana po masagot nyo ang liham ko. Tungkol po ito sa naging karelasyon ko na isang buwan ng buntis bago kami nag talik.
Hangang maipanganak niya yong baby pinipilit niya na ako yong ama. Dahil po sa kamukha ko yong bata maari po bang mangyari na ako yong maging ama nito gayong isang buwan na siyang buntis bago kami nag talik. Sana po masagot niyo ang liham na ito na palaisipan pa rin sa akin ang kasagutan.
Salamat po!Mr. Andrew
Dear Mr. Andrew:
Hinding hindi maaaring anak mo ang bata kung buntis na siya rito isang buwan bago kayo magtalik. Maaari mong i-trato siya bilang anak mo, pero walang posibilidad na ang semilya mo ang nagbuntis sa kaniya. Inaasahan ko na nakatulong ito sa iyo at pagisipan mong mabuti kung gusto mong ipatuloy ang relasyon mo sa isang babaeng nagsisinungaling sa iyo. Ingat—MG Holmes
DEAR DRA HOLMES:
ANG KAISA ISA KONG ANAK NA BABAE AY MAGIGING 16 NA PO NEXT WEEK. PINALAKI KO PO SIYA NANG MAY TAKOT SA DIYOS AT RESPETO PARA SA AMIN.PERO TAKOT PA RIN AKO SA BAKA MANGYARI SA KANIYA. ANG DAMING PREMARITAL SEX NGAYON. ETO PO ANG AKING MGA TANONG. SALAMAT PO CONCERNED FATHER
Dear CF (Concerned Father)
Maraming salamat po sa inyong sulat. Para lang po masagot natin lahat ng inyong tanong sa isang espasyo, in-in-corporate ko na po ang inyong tanong sa aking sagot:
ANO PO BA ANG KARANIWANG DAHILAN BAKIT HINDI NAKAKATANGGI ANG BABAE KAPAG NIYAYA SA PRE-MARITAL SEX?
Ang pinakapangkaraniwang dahilan na hindi makatanggi ang babae ay dahil mahal niya ang lalake. Ayaw niyang iwanan siya ng boyfriend niya.
ANO PO ANG MGA DAHILAN NAMAN NA AYAW NG BABAENG MAKIPAG SEX SA KANIYANG BOYFRIEND KAHIT NA MAHAL NIYA ITO?
Kapag may takot siya sa Diyos at naniniwala siya na kasalanan ito. Kapag may takot siya sa kaniyang mga magulang at ayaw niyang mapagalitan. Kung natatakot siya nab aka siya pag tsismisan ng kaniyang mga classmates o kapitbahay, etc. Kung natatakot siya nab aka siya iwanan ng kaniyang boyfriend kung “nakuha na ng lalake” ang gusto niya.
Kapag ayaw niyang mabuntis o magkaroon ng STD. At, ang pinaka magandang dahilan sa lahat: kapag kusang loob niyang pinapaniwalaan na mas mabuiting maghintay muna bago makipag sex.,
PAANO ANG TAMANG PARAAN NG PAGSASABI NG "NO"
O "HINDI" NA HINDI APEKTADO ANG RELASYON? PALAGAY KO PO, ITO ANG GUSTONG MALAMAN NG ANAK KO.
Hindi lang po ang konento (content) ng kaniyang sinasabi. Mahalaga po ang tonong gamitin ng anak ninyo sa pagsabing “hindi” sa kaniyang bpyfriend. Mas maigi sana na may kasamang lambing.
Mabuti rin na alam ng lalake na hindi ito personal—hindi dahil hindi siya gaanong kagaling sa foreplay o gaanong ka-guapo, pero dahil sagabal ito sa kaniyang paniniwala o rehiliyon.
Pero kung talagang galit ang lalake at hindi makuha sa ngiti, lambing, pagpapaliwanag atbp. sana po tandaan rna rin ng anak ninyo na wala siyang magagawa, wala siyang DAPAT gawin, para hindi magalit ang lalake. Sa huling pagsasalita (in the final analysis), ang kaniyang boyfriend ang responsible para sa kaniyang mga damdamin.
SA PRE-MARITAL SEX, KAILAN DAPAT SABIHIN "NO" O "HINDI" NA HINDI NAMAN MASISIRA NG RELASYON?
Sana ay sabihin niya kaagad para hindi naman magka high hopes ang lalake. At in then end, kung masira ang relasyon nila dahil sinabi niyang hindi, then baka mabuti nga na ngayon na nangyari kaysa sa matagalan pa, diba?
Inaasahan ko po na natulungan ko kayo at ang anak ninyo. Ingat—MG Holmes
Good day, Dr. Holmes.
Im Patricia from Makati City, (not real name), hingi lang kasi ako ng payo, bakit minsan parang ang lakas lakas ng insecurities ko sa ibang babae
Im 34 years old and still single, may bf ako pero nasa ibang bansa sya. hindi naman po ako kapangitan at hindi ako mukhang 34. marami nagsasabi mukha akong bata sa edad ko,
gusto ko alisin ang pagkainsecurities at sobrang selosa sa bf ko, minsan nga parang wala narin ako tiwala sa bf ko, dahil iniisip ko maraming bata dyan at maganda pa.
Gusto ko lang po tanungin kung meron pa bang honest na lalake ngayon at importante ba isang relasyon ang sex at kapag magaling ba ang babae sa kama hindi ba makalimutan ng isang lalake yon?
kapag hindi palasabi ng I love you ang isang lalake it means din ba na kulang ang pagmamahal nya? ang dami katanungan sa isip ko na kung minsan parang bakit ganon, o sobrang wala lang ako tiwala sa sarili ko...Im hoping Dr. Holmes na mabibigyan mo ako ng payo, maraming salamat po.
Sincerely,
Patricia
Dear Patricia:
Maraming salamat sa inyong sulat at sa iyong pagkinig sa iyong mga insecurities. Marami dyan ay sinusubkang di nalang pansinin ang mga insecurities at doubts nila. Minsan, yan ang mabuting solusyon, lalo na kung lama nila na sila ay may tendency na maging sobrang selosa o sobrang insecure.
Pero sa ibang mga situwasyon, ams maigi talagang pansinin and mga insecurities na ito dahil maaaring may basehan ito.
Hindi ko alam ang inyong situwasyon ng boyfriend ninyo. Maaari kasi, dear patricia, na hindi ka sobrang insecure pero nagre-react lang sa iyong nahahalata at nararamdaman o alam na nagyari na noon.
Halimbawa: Tinaksil ka na ba ng boyfriend mo kahit kalian? At ito ba ay sa isang mas babaeng mas bata sa iyo? Ano ang agwat ng boyfriend mo sa iyo? At siya ba ang mas bata?
Marami pa akong gustong masabi sa iyo, pero iiwanan ko nalang ang mga tanong ko, pagisipan mo, at sulatan mo ako muli, ok?
Ngayon naman, my turn sumagot sa iyong mga tanong:
1.Mayroon maraming mga lalake na strong at honest, pero di ko alam kung ang iyong boyfriend ay kasama doon.
2. kapag magaling ba ang babae sa kama kadalasan ay hindi makakalimutan ng lalake ito, pero kadalasan rin ito ay hindi sapat na dahilan para manatili siyang faithful.
3. Hindi ko alam ang kahalagahan ng hindi pagsabi ng boyfriend mo sa iyo ng “I love you.” Maaaring nagsisigurado lang siya na talaga ka niyang mahal kasio hindi siya tipong nagsasabing “I love you” sa kahit sinumang babae. Kailangan sigurado siya dahil gusto niya isang babae lang ang sasabihin niya ng mga salitang ito. Pero maaari ring may iba pang mga dahilan na hindi kasing ganda na nabanggit ko.
Sana, dearest Patricia, na natulungan kita nang kahit papaano. Sulat ka nalang kung mayroon ka pang ibang mga tanong, ok? Ingat—MG Holmes
Dear Dra. Holmes:
just call me ms. 3o. I’m 17 y/o from caloocan
good morning po lge po aq ng ba2sa ng culom niyo sa abante at nais ko sana matulongan niyo ako sa aking problema tungkol sa akin at sa boyfriend ko now.
ako po ay isang single mom, may isang anak. di ko po kc alam kng mahal po ba tlga aq ng bf q kc may gf xa at years n cla pero naki2ta q nmn na seryoso xa saakin at mahal na mahal din nya aq.
nsa ibang bansa po ang gf nya at minsan na lng tumawag sa knya minsa pag tumatawag un na ksma nya aq binabara bara nya pero khit ganun nahuhurt pa rin aq pag xa ang topic ng aming usapan.
ano po ba ang dapat q gawin mahal na mahl ko po xa at madami na po nangyari sa amin. takot aq na iwan nya q khit na nangako xa na di nya q iiwan at mag tiwala lng aq sa knya nagu2lohan po aq .. sana masagot nyo po aq godbless t.c and more power po
Dearest M3(ms. 3o):
Maraming salamat sa iyong sulat. Feel na feel ko ang iyong kaguluhan—dahil mahal mo ang bf mo at feel mo rin na mahal ka niya. Pero maaaring mahal rin niya ang dating girlfriend niya. After all, matagal na silang magkasama, at kahit binabara niya ito kapag nandoon ka, hindi natin alam ano ang trato niya sa girlfriend niya kapag wala ka doon. Maaring tinatago niya ang kaniyan aksyon sag f niya kapag wala ka doon, kagaya ng tinatago niya sag f niya na mayroon iba siyang sinabihan na mahal niya (ikaw).
Oo, nangako siya na kahit kailan ay di ka niya iiwanan. At marahil totoo yon dahil mahal ka niya. Pero ms 3o, maaari ban a ang akala niya na magagawa niya ito basta tanggap mo na habang buhay mo. Ikaw ay magiging #2 (lang) sa buhay niya.Maari ring totoo na ikaw talaga ang #1 sa kaniyang buhay, at ang girlfriend niya (na hindi pa niya na break) ay hindi niya kasing mahal.
Pero, ms 3o, kung gayun nga ang situasyon, bakit na hindi siya mjag break sa gf niya? After all, hindi pa naman sila kasal sa girlfriend diba? Anong klaseng lalake ang walang paninindigan sa kaniyang tunay niyang minamahal?
Ang isyu ay hindi kung talaga ka niyang mahal o hindi. Madalas ay talagang minamahal ng lalake ang mga #2 sa Buhay nila.
Pero ito ba ang klaseng mahal na gusto mo habang buhay mo? At ok lang ba sa iyo na ang tinuturing tatay ng anak mo ay may ibang gf at maaaring magkaroon ng ibang anak, kahit na noong una kayong nag-meet, wala pa siyang asawa o anak?
Hindi ko masasabi sa iyo, dearest ms 3o, ano ang dapat mong gawin. Pero makaka asa ako para sa iyo na, kung sakaling kaya mong iwanan ang iyong bf kahit na nagmamahalan kayo, nandito ako para sa iyo. Kung kaya mong magdusa (?) para sa ngayon (suffer during the present time) para sa maaaring kinabukasan na ikaw, ang anak mo, at ang magiging anak mo ay di kailangang maging ikalawa lang sa buhay ng bf mo, gagawin ko ang lahat para matulungan ka. Ingat—MG Holmes
(Since the following question was asked in Tagalog, Dr. Holmes feels a Tagalog answer would be better. Please write to her if you would like an English translation!)
Good day Dr.margs!
tanong kulang poh tungkol sa testosrerone gel gamot po bah bah talaga ito sa hormone disorder na gynecomastia? my ma bibili po ba ito sa botika? safe po ba gamitin ito kahit walang konsulta sa doktor? na hihiya po ako mag hubad kasi mdyo malaki dibdib ko! na kaka hiya talaga itong dis order na to....... please help me Dr. Marge?
MARCELO
Dear Marcelo:
Pasensiya ka nalang sana na hindi kita nasagot kaagad, gusto ko kasi i-research ito ng lalong malalim sa nasa alam ko. Ang gynecomastia ay ang pagkakaroon ng malalaking suso sa lalake. Yan ang isang dahilan na minsan, tinatawag ito na “man boobs.” Naiintindihan ko bakit nahihiya kang maghubad sa doctor dahil maraming may gynecomastia ay nagiisip na sila lang ang mayroon nito. Sa katotohanan lang, ayon sa isang pananaliksik na nabasa ko, as many as 20-30% ng mga lalake ay nagkakaroon nito sa kanilang Buhay. Minsan ito ay nawawala, at minsan naman, ito ay hindi nawawala UNLESS mayroon kang gawin para rito.
Yan ang isang dahilan n asana makababa ng iyong hiya pumunta sa doctor. Dahil “hindi ka nagiisa.”
Ang ikalawang dahilan ay dahil nandiyan ang manggagamot para tulungan ka at ibang tao na mayroong ganitong situwasyon, Kung hindi ka niya matulungan, maaari ka niyang i-refer sa isang doctor na maaari kang tulungan. In other words, lahat ng mga doctor na seryoso sa kanilang propesyon (at maraming mga manggagamot na ganito kahit na hindi sila mayaman o tanyag) ay nakakita na (o., at least, may alam tungkol sa) mga lalakeng may gynecomstia so sila talaga ang makakatulong sa iyo. At ang mga manggagamot na ito ay maghahanap ng paraan na mawawala ito na hindi gaanong mahal (hindi ka magaaksaya ng pera sa mga solusyon na hindi naman mabisa—palagay ko kasama na rito ang testosterone gel na pinaguusapan mo, Marcelo—at hindi rin makakasira sa katawan mo). Ang pinakamahalagang basehan kung mawawala ito o hindi ay ang iyong edad, Marcelo.
Isa sa mga dahilan ng gynecomastia ay dahiol sa “imbalance ng hormones” sa ating katawan. Maraming mga nagbibinatang mga lalake (lalo na kung medyo meztisohin (dahil ang kanilang “body type” ay mas vulnerable sa situwasyon na ganito) ay nagkakaroon ng geynecomastia. Pero kung ikaw ay nagbibinata, hindi ka kailangang magalala, dahil mawawala ito. Habang nagbibinata (o nagdadalaga) ang tao, maraming mga changes ang nangyayari sa katawan nila dahil sa mga iba’t ibang hormones na “lumalaban”sa katawan nila. Natural lang yan, at mawawala ito kapag tumahimik (?) na ang hormones sa katawan mo—in other words, kapag matapos na ang puberty (no more than 1-2 years). Ang good news ay maraming beses, mawawala ang gynecomastia kahit hindi pa tapos ang puberty.
Minsan, kapag ang lalake ay 50 o ,mahigit pa sa 50 na taon, nagkakaroon rin siya ng gynecomastia dahil, nanaman, sa nagiibang proportion ng hormones sa katawan niya. Natatandaan mo ba si Antonio Molina sa “spiderman 2”? Yung scientist na naging parang giant metal octopus na nilalaban si Spiderman? Siya ay isang tanyag na artista sa Hollywood. Noong araw ay guapong guapo at slim na slim. Ngayon ay may edad na siya, guapo at magaling pa rin na actor, pero hindi na kasing slim at mayroong gynecomastia. Pero palagay ko, walang nakakapansin talaga ng kaniyang gynecomastia (maliban sa mga taong pinagaralan ito) dahil ang kaniyang katauhan ay mas mahalaga kaysa kung mayroon siyang susong lumaki o hindi.
Kagaya mo rin, Marcelo.
Pero di ko sinasabing bale wala ang iyong pagaalala tungkol rito, Marcelo. Mayroon kang magagawa para sa gynecomastia kung sakaling hindi ka nagbibinata na mawawala ito sa sarili niya kapag mas magbalance ang hormones mo.
Ang pinaka “natural” na magagawa mo para mawala ang gynecomasita mo ay magdiet at mag-exercise. Yan ay dahil ang isa sa pinaka pangkaraniwang dahilan (most common cause) na nagkakaroon ng gynecomastia ang isang lalake (maliban sa changing hormones) ay ang pagiging mataba.
Ang pagkakaroon ng malaking tiyan o bilbil ay pareho rin sa mga suso na nakukuha ng lalake (gynecomastia) in the sense na ito ang mga lugar na ang katatawan ay stino-store ang excess (sobrang) taba. Ang ibang tao ay stino-store ito sa tiyan, at ang iba naman ay stino-store ito sa dibdib (na nagmumukhang malalaking suso).
Akala ng iba na maaaring mag “spot reduce” ang kanilang gynecomastia, pero gaya ng mga babae na hindi ma spot reduce ang kanilang malalaking hita o waistline, hindi ito magagawa ng mga lalake. Ang kailangan gawin ay mag lose weight, period.
Ang pinakamaiging gawin ay mag exercise at mag diet. Hindi ako ang pinakamagaling magbigay ng payo rito, dahil ako mismo ay hindi makatagal sa mga exercise at diet plans ko, kaya sa iba ka nalang maghanap ng “weight loss tips,” ok, Marcelo.
Sa larangan naman ng hindi magagawa mo ng sarili mo (kagaya ng exercise at diet), ayon sa mga doctor, ang mabisang paraan lang ay magpa-opera. Hindi ko alam kung ginagawa nila ang operasyon rito sa Pilipinas, pero sa Amerika, ina-advertise pa ito sa newspapers dahil ang daming lalake ang nagpapa opera para sa gynecomastia.
Sa aking (personal) na opinion, saying lang ang pera at alaala kung magpa opera dahil lamang sa iyong itsura. Napaka raming mga lalake ngayon ay may gynecomastia na hindi talaga ito nakaka-abala o nahahalata ng iba. Kagaya ng malaking ilong, nagigingisyu lang ito sa taong may malaking ilong at hindi sa iba na nagmamahal at kinakasama niya.
Ayon sa 2 doktor na ininterview ko, ang mga testosterone gel ay HINDI mabisang paraan para malunas ang gynecomstia. Kagay ng exercise at diet na HINDI na spo-spot reduce ang suso, hindi nrin ito magawa ng testosterone gel.
Inaasahan ko na nakatulong ito sa iyo, dearest Marcelo. Ingat—MG Holmes
dear dra. holmes,
Pls. tulungan mo ako. nuon ko pa gusto sumulat pero, nag aalinlangan ako kasi natatakot ako malantad sa lahat ang problemako.
Doktora, sabik na akong makipag sex pero natatakot akong magboyfriend dahil baka mabuntis ako, or baka di kami magkatuluyan, tapos di ako tanggapin ng magiging asawa ko pag di na ako virgin.
ang problema sakin, masyado akong malibog. mahilig akong makipagtextmate, at makipag sop, habang nagmamasturbate.
may mga lalaki po ba na nakikipag sex w/o penetration? san sila makikita?
Gusto ko na talagang makaranas sa mga nakikita ko or naririnig sa mga sexcapades ng mga kaibigan ko. help me!
o di kaya, help me, pano ko mao overcome itong nararamdaman ko.
Miss Aquarius
N.B.S.B. (No Boyfriend Since Birth)
Dear SARAH:
Maraming salamat sa iyong sulat. Para masagoty ko lahat ng inyong tanong sa isang kolum, uumpisahin ko na ngayon, ok?
a. ok lang naman kasi walang makakahalata nito at nag –e-enjoy ka pa naman, diba?
b. Maaaring bumalik ito sa dating sikip kung tumigil kang magpasok ng object dito ng 2-3 buwan.
Inaasahan ko na nakatulong ako sa iyo. Sana ay sulatan mo nanaman ako kung mayroon pa akong malilingkod sa iyo. Ingat, dearest Sarah, at hihintayin ko ang sulat mo, ok?—MG Holmes
PTSD… or something else? - Letter proper to GL
PTSD… or something else? - Part 3
PTSD… or something else? - Part 2
PTSD… or something else? - Part 1
hello doc ..tanong ko lang ..am i gay or bisexual...kasi wala pareho akong nalilibugan sa both sexes pero parang mas nag kakacrush ako sa lalake , sa babae di gano pero i can go sex with them..what i am gay or bi...im not closing my door to marriage but for the right person at the right time by the way im already 31...di naman ako effem pero on latter part malalaman din nila as i get along with them lalabas na kalandian ko...help me
JOSHUA
Dear JOSHUA:
Maraming salamat sa iyong napaka honest na sulat. Kung babasahin ang una mong paragraph, maaari nating sabihin na ikaw ay hindi gay pero bisexual, dahil kaya mo naman makipagsiping sa babae at lalake.
Pero kung basahin mo ng malalim ang iyong sulat, obvious na mas na-aatract ka sa kapwa mo lalaki. Alam ko, inamin mo na rin yan sa first paragraph, at ang kahulugan ng bisexuality ay HINDI na pareho ang attraction mo sa dalawa, pero na attracted ka sa dalawang sexes, kahit na mas malakas ang attraction mo for one rather than the other.
Ang isa lang nakakabigay duda(?) ay ang iyong pagsabi tungkol sa babae na “pero I can go sex with them.”
Ang dating noon ay parang napipilitan ka. Parang sinasabi mo na, “kahit na mas nalilibugan sa dalawa (ang talagang talagang gusto ko) ay ang mga lalake, pero (sigh, sige na nga!!) puwede ‘I can go sex with them’.”
Ang dating ay parang napipilitan kang makipagesex sa babae. Parng di ka talaga interesado (or, at least, a poor second choice ito sa sex sa lalake), pero kailangan mo gawin ito dahil ito ang nagpro-provr sa iyo na lalake ka (talaga)….kahit na alam natin na gay o bisexual ka, maaaring lalakeng lalake ka rin. Ang kahulugan ng pagiging lalake ay HINDI tungkol sa kasarian ng iyong minamahal, pero sa mga katangian tinuturing nating masculine: malaks, matatag, matulungin, seksi, atbp.
At siyempre, kung gusto mong mag asawa, mas madaling mag asawa ka kung ikaw ay bisexual at hindi bakla. Mas open ang babaeng makiipagkasal sa bisexual (na akala niya may “fighting chance” siya kaysa sa bakla). Kaya, kung I-pre-presenta mo ang sarili mo bilang “marriage material,” siyempre mas madali sa iyo kung sabihin mo (kahit sa sarili mo para hindi ka nagsisinugaling sa iba) na tila bisexual ka.
Dearest Joshua, hindi kita mabigyan ng definite answer kung bakla ka o gay kasi, sa katotohanan lang, di rin ako sigurado. At sa aking paningin, hindi ito kasing mahalaga (lahatg naman tayo ay gay, bisexual o heterosexual) ng pagiging mabait na tao sa lahat na na-me-meet natin. Ingat and all the best—MG Holmes
Dear dra holmes:
Lagi po ako nagbabasa ng website nyo at malaki po ang naitutulong nyo sa akin mentally,physically and spiritually..
I’m married to a black american 3 years na kaming kasal at nagsasama po. Pinakasalan ko sya dahil naninwala ako na mabait sya at straight sa buhay..nagpakasal ako sa taong hindi ko lubos na kakilala at lalo na ang background nya. Pag tapos naming nagpakasal sa pinas nakuha nya ako agad dito sa germany dahil dito sya nagtratrabaho.
Laking gulat ko ng pag dating ko dito ay agad na nakita ko ang mga pangit at kakaibang pag uugali nya po.
Seloso sya, ayaw nya akong nakikipag kaibigan kahit kanino kahit sa mga babae, ayaw nya akong magtrabaho, ayaw nya ring mag smile ako sa kapwa ko pilipino o kahit na sa kaninong tao po, ang daming bawal.
Minsan nagtrabaho ako at pinagbibintangan ako na may lalaki po ako..wala naman akong pinuopuntahan at ni isang kaibigan ay wala ako.
Ang pangit po ng ugali nya. I’m tired of his bossing me around everyday in my life. Daig ko pa ang isang alila po,lahat gawain ko, maglinis, maglaba, magluto. Ni minsan hindi sya naawa sa akin. Wala syang ginawa kundi uminom at nasa computer buong oras nya pag wala sya trabaho. Unti unting naging palaisipan sa akin ang asawa ko dahil sa kakaiba nyang pag uugali. Mahirap pakisamahn ang katulad nya na pabago bago ng mood, mula ng ikinasal po kami hindi po ako naging maligaya sa sex sa kanya dahil wala po syang ginagawa sa akin.
Hindi nya ako hinahalikan o niroromansa wala man lang na kahit na ano,gusto nya akong galawin sa puwet ko nung una hindi ako pumayag pero napapayag nya rin ako gawa ng akala ko magbabago ang takbo ng aming sexlife, pero ganun pa rin. Boring, empty selfish sya.
Ako lahat ibibigay ko at gagawin ko para sa kanya dahil asawa ko sya atr mahal ko sya. Opo, mahal ko po sya sa kabila ng pabng aabuso nya sa akin. Marahil siguro dahil sa loob ng tatlong taon sya lang ang nakakasama, nakikita, nakausap ko buong buhay ko sa kanya lang umiikot… to be continued
kulit
Dear Kulit:
Maraming salamat sa iyong sulat at sa iyon pagpapakita sa amin na kadalasan, hindi lang isang emosyon ang ating nararamdaman para sa ating partner, pero dalawa, talo o apat. Kadalasan, ang mga emosyong ito ay parang hindi magkabagay (contradictory). Halimbawa, para sa iyo, ang asawa mo ay mahirap pakisamahan, abusero, at malupit; pero sa kabila nang lahat, mahal mo pa siya.
Titingnan na pagkatapos mo ikuwento ang buong kuwento mo, kung papaano ito nakaka epekto sa mga desisyon na kailangan mong gawin para sa buhay mo. Hanggang sa Martes,…ingat ka sana—MG Holmes
Dear dra holmes:
to continue from part 1 above)
May itsura po ako at hindi po sa pagmamalaki tama lang po ang pangangatawan ko. Ang asawa ko po madalas na nahuhuli kong nasa computer sa mga pornography sites at dito na rin sya nag paparaos. Halos araw araw, gabi gabi po ganito ang gingawa nya.
.masakit talaga. Napakasakit pong isipin. Bakit ganito ang ginagawa nya sa akin? Bakit kailangan nyang magparaos sa internet gayong nandito ako sa tabi nya?
Hindi po kami nagtatalik,wala syang gana sa akin..nagtataka lang ako kasi ang alam ko pag ang isang lalaki pag nanonood ng bold gaganahan sa misis,pero sya nanonood sya hanggang sa magpalabas na sya.nakalimutan nya na may asawa sya at tao lang po ako na nangangailangan ng sex.
Minsan, madalas hinahanap ng katawan ko ang sex na hindi binigay sakin ng asawa ko mula ng nagsama kami. Masakit, mahirap, para akong tanga sa mga ginagawa nya.
minsan nahuli ko sya na may babae at nahuli ko din sya na may gamot sa kwarto namin para sa puwit,,preparation po ang tawag dito.gustung gusto nya sa pwet kaya lang hindi ko po sya mapaligaya ng husto dito gawa ng may almoranas po ako sa panganganak ko.
Pag dating sa mga kalokohan nya kahit nabisto mo na sya hindi nya aamin.
Grabe ang pagsisinungaling nya..ni hindi din sya marunong mag sorry kahit nasaktan ka na nya ng husto sa mga pagkakamali nya.
Masakit isipin halos natutulala po ako araw araw sa pag uugali ng asawa ko sa akin.wala akong karapatan na magsalita ng tungkol sa nararamdaman ko sa kanya dahil ako pa ang sinisisi nya sa kabila ng pagsisilbi ko at pag sunudsunuran sa kanya.
May po kami kinasal 2005..mula ng kinasal kami ganito na ang naging takabo ng buhay ko sa kanya:
1. Alila nya,sunud sunuran sa kanya..
2. Nakakulong sa bahay..
3. Wala syang panahon sa akin. Pag dating sa trabaho sa computer na agad ang diretso nya habang umiinom..
4. Ni hindi ko pa naranasan na lambingin nya na bigyan nya ako ng atensyon wala man lang kahit na ano kahit sa kama po.
5. Kinausap ko na sya tungkol sa nararamdaman ko kaya lang binabalewala nya
6. ako pa ang sisigawan nya,lagi sya nakasigaw hindi sya marunong magsalita ng mahinahon
7. Pag sa iba mabait sya lalo na sa babae, nakatawa malumanay magsalita pero sakin ibang klase sya parang hindi nya ako asawa…
Dear Kulit:
Kahit sinumang magbasa nito ay itatanong sa sarili bakit mo hindi na siya iwanan sa hirap ng mga dinadanas mo. Palagay ko mayroon akong isa (sa marami pang) dahilan kung bakit ayaw mo pang lumayas diyan. Eto, ang iilang sagot sa iyong mga tinatanong AT ang huling kabanata ng sulat mo sa Part 3 below. ABANGAN!
Dear dra holmes:
(gaya po nang naisulat ko sa inyo sa parts 1 at 2)
Hirap na hirap po ako mentally halos mabaliw sa kakaisip bakit ganyan sya sa akin. Tulungan nyo ako hirap na hirap ako sa nararamdaman ko sa kanya sa mga ginagawa nya sa akin.nagtataka lang ako ang hilig nya magparaos sa internet pero sa akin na asawa nya wala syang panahonmaniwala kayo sa hindi,hindi kami nagtatalik misan isang buwan o mahigit sa isang buwan,,nakakapagtaka,bakit ganun sya tapos mahilig sya sa mga pornography?? Ano po ang nangyayari sa kanya? Ang alam ko kasi pag ang lalaki nanood ng mga bold gaganahan sa asawa pero sya hindi,,nagpaparaos na mismo sya sa internet..diba pagtataksil na rin itong ganitong situattion? Ngayon lang ako naka encounter ng ganitong tao?tapos mahilig pa nya akong pag bintangan na may lalake samantalang naka kulong lang ako dito sa bahay namin at hindi naman ako umaalis gawa nga na ni isang kaibigan wala ako.sana po tulungan nyo ako at payuhan upang sa ganun mabawasan ang bigat at sakit ng kalooban ko sa asawa ko..parang awa nyo na payuhan nyo po ako..
Sa ngayon frustrated ako sa buhay ko sa unang lovelife ko hindi succesfull tapos ngayon sa napangasawa ko mas malala po,,tinitiis ko lahat dahil hindi ko pa po nakukuha ang greencard ko.
Itago nyo na lang ako sa pangalang kulit po..god bless and sana wag kayong mag sawa na tumulong sa kagaya naming may mga problema sa buhay kayo po ang nagbibigay buhay sa amin,,thanks!!! Kulit
Dear Kulit:
Wala akong duda na malupit siya sa iyo. At hindi yun tama.
Sa Huwebes (ika 28 ng Pebrero) maghahanap tayo ng paraan para, kung hindi matigil ang buong kalupitan, ay bumaba naman.
Pero siguro kailangan rin nating isipin kung mayroon siyang napupuna sa iyo na may kontribusyon sa kaniyang mga aksyon. Nasabi mo sa second to the last paragraph ng sulat mo na : “TINITIIS KO LAHAT DAHIL HINDI KO PA PO NAKUKUHA ANG GREENCARD KO.”
Posible kaya na ganyan ang mga aksyon niya kasi akal niya na ginagamit mo lang siya? Kahit na yan ang dahilan, of course, mas maigi na kausapin ka niya kaysa kumilos ng kinikilos niya, pero ang possibility na iba sa mga aksyon niya ay reaksyon sa mga salita o aksyon mo ay kailangan rin nating tingnan, diba? Hanggang sa PART 4, ingat—MG Holmes…
Dear Kulit:
Maraming salamat sa iyong mga sulat na nagpaliwanag sa akin na marami kang angal sa iyong asawa na napakalupit sa iyo. Sinagot na natin noong nakaraang Huwebes (Feb 28) kung papaano ang kutob ng asawa mo ay maaaring may malaking epekto sa kaniyang mga abuso niya sa iyo. Hindi pa rin yan sapat na dahilan para gawin niya ang kahit isa mang abuso sa iyo. Pero ito ay maaari mong pagaralan kung ang kutob ko naman na ito ang isang dahilan (o maaaring ANG dahilan) kung bakit ganun niya itrato ka.
Ang kutob niya na pinaguusapan ko ay ang iyong pagsta-stay sa relasyon dahil lamang sa green card. Kung talaga mo pa siyang mahal, gaya nang nabanggit mo iilang beses sa mga sulat mo, kailangang pag usapan ito. Siguradong sigurado ako na ito ay umiikot sa kaniyang isip. Oo, Kulit, kahit hindi ninyo pa pinagusapan ito; kahit hindi mo ito tinapon sa mukha niya noong nagaway kayo. Maraming kuwento tungkol sa mga Pilipina na nakikipag asawa sa mga Kano para magkaroon ng green card.
Kung talaga mo siyang mahal, kailangang ilabas ninyong dalawa ang tunay ninyon kalooban tungkol rito. Kung ayaw mong gawin ito dahil natatakot kang baka ka isaktan, bakit ka pa nasa kaniya? Maghanap ka ng paraan para maka-alis ka diyan. Kung hindi mo alam kung papaano, sulatan mo nanaman ako at maghahanap ako ng paraan para matulungan ka.
Kung ayaw mong pagusapin ito, palagay ko hindi babago ang samahan ninyo. Totoo, baka marami pang ibang kailangang pagusapan At ayusin bago talagang gumanda ang inyong relasyon, pero ito ang unang step. Dahil itong isyung ito ay laging magiging “tinik” sa inyong relasyon na laging umiikot sa utak niya.
Kailangan kang maging matapang (brave?) Kulit, kung mahal mo talaga siya. Kasi, hindi magbabago ang inyong relasyon kung di ka ring magbago, Kailangan rin siyang magbago, pero ang nakakausap ko lang rito ay ikaw. At mapapangako ko na, kung magbago ka, babago rin siya. (At kung gusto mo O ibang nagbabasa malaman kung bakit, sana sulatan o nanaman ako)
May kasabihan sa Ingles: “None but the brave deserve the fair.” Ang mga matatapang lang ang may karapatan makuha ang (asawang) tunay na mabait at matino. Sana mapalakas mo ang loob mong gawin ang matapang para sa inyong relasyon. Ingat—MG Holmes
Dear Dra. Holmes:
Isa po ako sa lbo libo ninyong tagahanga sa buong mundo. Narito po ako’t gusto ko lamang po magtanong tungkol sa gumugulo sa aking isipan, di po sa pag-ibig.
ask ko lang po kung pag namiss po ung pag iinom ng whitening pills ng mga isang linggo ibig po ba nung sabihin tigil din po yung reaction nya? namiss po kc pag inom ko ng 1 week dahil na delayed po package.
sana po mabigyan ninyo ng pansin itong hinaing ko. maraming salamat po, doctora
gumagalang at lubos na ngapapasalamat,
ALBERTA
Dearest ALBERTA:
Inaasahan ko na gagalang ka pa sa akin pagkatapos ng aking sagot. Hindi ko alam ang epekto ng magmiss ng inom ng whitening pills, pero mas may halaga akong alam: Hindi pa na-research ng mga doctor kung ano nga ba ang epekto nitong whitening pills: talaga bang nakaka-whiten? At kung oo nga ang sagot, gaaanong katagal ito tatagal.
Pero mas mahalaga pa sa epekto sa labas, kailangang pag aralan rin ang epekto sa loob. After all, ang whitening pills ay iniinom dahil DAW ito ay nagbabago ng bahagi ng iyong katawan na magbabago sa iyo. May pagka malalim at malaking pagbabago ito. Kaya kailangang talagang pag aralan muna ito bago ipagpatuloy ang pag inom. Ayaw mo namang maging guinea pig, diba?
Ang kahulugan ng guinea pig sa Ingles ay ang taong (o hayop na) “pinapagpraktisan” bago I-offer ang isang gamot, pagkain, damit, atbp., sa publiko. Ang guinea pigs ang siyang umiinom o kumakain, o naglalagay ng krema sa lukha kung hindi pa nakakasigurado ang mga manufacturers tungkol sa epektibo ng mga ginagawa nila.
Okay lang siguro maging guinea pig KUNG ito ay tungkol lamang sa damit o sapatos o iba pang pansuot. Sa labas ng katawan.
Kahit para sa make up “lamang” ay mas mabuting hindi pumayag maging guinea pig. Yan ay dahil ay pinapatong mo sa iyong katawan ang isang produktong hindi ka pa nakakasiguro na hindi masama (di bale na ang mabuti!) para sa iyo. Maraming mga tao ang nasasaktan (nagkakaroon ng pimples, rashes at scars!) dahil hindi nila sinigurado na walang epekto ang isang bagay sa kanila.
Ano pa kaya kung ang prodktong ito ay iniinom mo? Pinapasok mo (at hindi lang pinapatong) sa loob ng katawan mo.
Sensya ka nalang sana, Alberta, kung labas ko ay parang super conservative. Pero sa larangan ng kalusugan, may pagka dahan dahan talaga ako. (sana ok yun sa iyo)
Ok lang ba kung mayroon rin akong tanong para sa iyo? Bakit naman nagpapa-whiten tayong mga Pinay? Diba, dahil tayo ay Malay, totoo naman (at bagay rin!!) na maging brown? Ingat at maraming salamat—MG Holmes